Nina, may handog sa mga LGBTQIA+ member
Napahanga si Nina nang unang masaksihang kumanta si Maki sa ASAP. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto umanong makatrabaho ng Diamond Soul Siren ang Dilaw singer. “Sobrang tuwang-tuwa ako. So narinig ko ‘yung Dilaw, I watched the singer behind Dilaw. I saw him sa isang variety show, ASAP. He was singing Dilaw, tapos sabi ko, ‘Siya pala ‘yon, akala ko K-Pop.’ So, I turned the volume. Ang galing niya, parang siya ‘yung matagal nang kumakanta. Magaling, magaling siyang singer. I hope soon, Maki,” pahayag ni Nina sa BRGY show ni Bianca Gonzalez.
Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng singer para sa kanyang nalalapit na Love Matters concert. Gaganapin ito ngayong Feb. 8 sa New Frontier Theater. Ayon kay Nina ay marami siyang bagong ipamamalas para sa mga tagahanga na manonood ng naturang pre-Valentine concert. “I’ll be including some wicked songs, so it’s very relevant. I don’t know if this is the first time I’ll be singing Broadway songs in a concert but I’ll try. No particular reason at all, I just want to try it out lang. Kasi sa mga concert ko, I want to try something new, something different,” pagbabahagi ng Diamond Soul Siren.
Para kay Nina ay espesyal din ang kanyang Love Matters concert dahil iniaalay niya ito sa mga tagahangang miyembro ng LGBTQIA+ community. “Because love matters in everyone. It’s a concert about different kinds of love, because hate doesn’t matter, love matters. Siguro sila rin ‘yung nagse-shape ng pagkakaroon ng drama behind all the songs that I have, na parang lahat ng songs ko binibigyan nila ng drama. This is the soundtrack of my life. Sila ang nag-i-introduce ng songs sa mga tao,” paliwanag ng singer.
Albie, tutok sa anak
Nai-enjoy ni Albie Casiño ang pagiging isang ganap na ama. Madalas na pino-post ng aktor ang mga larawan at bidyo ng kanyang anak na si Roman Andrew sa Instagram. “It’s so fulfilling. I can’t explain talaga. I used to not want to have kids. I thought of never having kids,” nakangiting bungad ni Albie.
Sobrang tutok sa pag-aalaga ang aktor sa anak. Kapag walang trabaho ay talagang si Albie ang nag-aaruga sa bata. “I’m teaching him to go down to bed, he has teeth na. Seeing him grow, it is so fast, iba feeling. When he is learning basics, from close open to waving, amazing. I try to wake up with him in the morning, ‘di pa siya diretso mag-sleep. Sometimes I change his diaper when I get home,” kwento niya.
Aminado si Albie na naging maingat na rin siya ngayon sa pagpili ng mga proyektong gagawin dahil sa pagkakaroon ng anak. Mayroon nang mga tinanggihan ang aktor na gawin dahil kay Roman Andrew. “I had to turn down some roles. Before I would never do that, I just take any role. I didn’t even have to think about it. Iniisip ko makita niya, not something I want want him to see,” pagtatapat ng aktor. (Reports from JCC)
- Latest