^

PSN Showbiz

JK, hinihingian ng public apology

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
JK, hinihingian ng public apology

Nagde-demand ng public apology ang Iloilo City local government unit mula sa singer-actor na si JK Labajo dahil sa pagmumura nito habang kinakanta ang ERE sa isang event sa Dinagyang Festival na ginanap noong Jan. 24.

Nag-viral ang video ni JK kung saan tinanong niya sa mga nanonood kung ano ang mura sa Ilonggo at sinagot siya ng mga ito ng “Yudipota.”

Sa lyrics ng kanta niyang ERE ay pinalitan niya ang Tagalog na mura roon ng sa Ilonggo kung saan tila enjoy na enjoy ang mga kabataang nakisabay pa sa kanta.

Isa nga raw ito sa mga guest performer ng private organizer ng Dinagyang at inamin daw noon na hindi nila nasusuri ang mga line-up ng mga kanta ng mga singer dahil mas tinututukan nila ang seguridad ng event.

Naku ‘wag naman sanang pamumulitika lang ito.

‘Wag nang palakihin. Kausapin nila ang management ni JK upang mag-public apology at ‘wag gamitin ang social media noh.

Love box ni Gretchen, ‘di pa nalilimutan

‘Katuwa naman na ‘pag ginamit namin ni Gorgy Rula ang wheelchair para sa checkup namin para pa kaming nang-iintriga. ‘Yung wheelchair ko may Gretchen (Barretto) sa likod, at ‘yung kay Gorgy, Lani (Mercado) naman. Bongga ‘di ba, para bang sinadya ha.

Alam mo ba na marami ang naka-miss sa Gretchen Love Box noong Pasko. Remember na halos buong showbiz binigyan ni Gretchen Barretto ng regalong box of groceries at mamahalin ang canned goods ha.

Marami nga ang naghanap nito this year na naintriga na si Sunshine Cruz ay meron ding ipinamigay na grocery box nung nakalipas na Pasko.

Bongga talaga, kaya naman marami sa showbiz ang masaya.

Iba pa rin ang galawan sa showbiz kahit sabihin pang medyo tumamlay ng konti. Andiyan pa rin mga balitang very hot kaya nakakatutok pa rin ang publiko.

Hay naku, ano kaya ang pasabog ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) na unang nagbigay tulong sa mga tinamaan ng kalamidad. Dapat gayahin ito ng Actor’s Guild at ilang stars na maganda naman ang katayuan sa buhay.

Huwag mong sabihing talbog pa sila ng showbiz editors sa pagtulong. Dapat mas bongga sila.

JK LABAJO

SINGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->