Ogie at Regine, madalas pa ang landian

Aminado si Ogie Alcasid na may landi pa siya.
Na sikreto kung ba’t matibay ang relasyon nila ng misis na si Regine Velasquez.
Ito ang inamin ng OPM singer/songwriter sa mediacon ng upcoming concert niya na OAC: Original & Absolute Classics.
Exciting daw lumandi at walang masama.
“Flirting is healthy. Hindi bawal ang lumandi. Sa ‘kin, ha? Kung mayroon kang natitipuhan at kumbaga, may tinitibok ang puso mo, hindi bawal lumandi. Of course, bawal kung may asawa ka na, ‘no?” banggit niya nang tanungin kung pwede ba siyang magbigay ng advice sa mga magkarelasyon para tumagal tulad sa kanila ni Regine.
Hindi naman siya nagdamot. Aniya, like minsan daw, nagkukunwari sila ng misis na mga estudyante.
Or minsan, nag-uusap sila na mag-camping.
“Minsan kunyari magkasama kami or magkayakap, sasabihin ko, ‘o, kunwari ano, nag-camping tayo, tapos, kunwari ano, hindi tayo close masyado, tapos kumulog, natakot ka,’” advice pa ni Ogie.
Dagdag pa niya : “It never stops. The romancing between husband and wife.”
Na kahit nga naman sa page-exercise (walking) ay ginagawa nilang bonding.
Pero wala silang Valentine date ni Asia’s Songbird na kinasayan na nila. May Reset concert si Regine sa Feb. 14, 15, 21 at 22, habang meron ngang OAC: Original & Absolute Classics ni Ogie sa Feb. 13, 8:30 p.m., sa Solaire Resort North Grand Ballroom kasama ang OPM Icons na sina Louie Ocampo at National Artist Maestro Ryan Cayabyab.
Anyway, ngayon lang mangyayari na magkakasama silang tatlo sa isang concert kaya naman excited si Ogie.
“It’s a wonderful opportunity for me, a great honor to be with this two gentlemen who have contributed so much to the Philippine music scene and the industry as well.
“If you could pinch me if this is true, you know. I mean to say that in all honesty that I am really thrilled to be with them,” dagdag pa niya.
Mapapanood sa concert ang pag-awit ni Ogie ng ginawang original songs ng dalawang batikang composer.
“This is really an Ogie showcase, showcasing all the love songs that we have done. Please don’t expect us to be the singers that we are not,” impormasyon ni Maestro Ryan.
“And it’s really a serenade to the ladies. That’s why, we do not have any ladies with us, because we’re serenading all the ladies with our original songs,” dagdag pa niya.
Magiging guest naman nila sina The Voice USA Season 26 grand champion Sofronio Vasquez at musical duo na sina JM dela Cerna at Marielle Montellano.
Aktor, dama ang impluwensiya ng personalidad sa ginawang pelikula!
Ayaw nang magsalita ng isang actor pero ramdam niya na gumana ang impluwensiya ng isang personalidad para hindi maipalabas ang kanyang pelikula.
Basta ayaw na raw niyang mag-emote. Tanggap na raw niya ang lahat tho nawindang daw talaga siya.
Malinis naman daw ang kanyang konsensiya at wala naman siyang magagawa kung ganun ang kapalaran niya.
Ganun daw talaga. Kung sino ang nasa power.
Hindi lang daw niya naisip na kahit pirmado ang kontrata ay pwede pang makansela.
Anyway, ayaw nang magbigay ng clue ng actor. Magdarasal na lang daw siya sa magiging kapalaran ng kanyang pinaghirapang trabaho.
- Latest