^

PSN Showbiz

MaThon, pinagpasa-diyos na ni Jamela!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
MaThon, pinagpasa-diyos na ni Jamela!
Anthony, Maris at Jamela
STAR/File

Ahh wala raw sa isip ni Jamela Villanueva ang mag-full time sa showbiz pagkatapos ilunsad ang kanyang billboard para sa Ampong Dental essentials.

Si Jamela ang ex-girlfriend ni Anthony Jennings na naglabas ng screenshots ng diumano’y panloloko ng aktor at ni Maris Racal.

Sa kanyang Instagram Stories last December, ibinahagi ni Jamela ang mga screenshot ng mga pag-uusap nina Anthony at Maris.

Karelasyon niya ng seven years si Anthony.

Ano ang nilo-look forward niya or plan ngayong 2025 at plano ba talaga niyang pasukin na rin ang showbiz? “Definitely not in my mind po talaga ang showbiz, but more of I wanted to be the voice of those people na who have the same situation sa akin,” sabi niya sa ginanap na media launching bilang ambassador nito.

Pero ano ang reaction mo o ano ang pakiramdam mo na may billboard ka na? “Ayun nga po, una is very grateful kasi as I’ve said kanina, wala pa naman talaga akong name in the industry. Nakaka-shock din na first endorsement tapos pak billboard agad tapos may ganito,” sagot nito sa ilang entertainment media.

At handa ring patawarin ni Jamela ang ex maging si Maris. “Opo naman. Sabi nga nila, Diyos nga nagpapatawad.”

At nang hingan siya ng mensahe para sa dalawa : “I wish them well. ‘Yun naman po talaga. Very nakakatanggal po ng tinik sa puso kapag nakarinig ka ng ‘sorry’ at grabe rin po ang matatanggal na tinik sa puso mo kapag nagpatawad ka kasi parang na-release mo na lahat ng mabibigat sa puso mo.”

Hindi aniya madaling process ang pagpapatawad pero mo­ving on na raw siya. “Nasa process pa rin po. Kasi ang forgiveness po ay hindi naman madaling process pero I’m getting there.”

Paliwanag niya ay ang dami rin kasing nangyari kaya ginawa rin niya ‘yun. “I’m just a normal person. I don’t have anyone to defend me. Ang hirap kasi na you are judged by the people kahit alam mo naman ‘yung totoo,” katuwiran niya sa ginawa sa magka-loveteam.

Bahagi ng kanyang pagmo-move on ang mag-focus na lang sa kanyang sarili. “Wala na po akong koneksyon sa mga tao na nasa loob ng issue. Ang plan ko po is to just focus sa sarili ko and i-build ‘yung career.”

Pero sa kabila ng mga nangyari, marami siyang natutunan at kabilang na rito ang : “My self-worth is non-negotiable. Never lose yourself in the process kung anong nangyayari sa buhay mo. Kailangang kilala mo ang sarili mo. Alam mo ‘yung values and principles ng sarili mo.”

Anyway, inilunsad ng Ampong Dental Clinic ang kanilang mga produkto tulad ng Advanced Pro­white Whitening System, Whitening Touch-up Pen, Advanced Whitening Pro Strips, Whitening Toothpaste at Ultra Flex Toothbrush.

Samantala, habang nagti-trending si Jamela, trending din si Maris dahil sa lalabas nilang series sa Netflix ni Anthony na may pamagat na Sosyal Climbers kung saan may eksena sila sa trailer na wild ang laplapan.

JAMELA VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with