^

PSN Showbiz

MTRCB, sinagot ng fake news ang post ni Darryl Yap

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
MTRCB, sinagot ng fake news ang post ni Darryl Yap
Lala Sotto-Antonio
STAR/File

Mabilis na kinontra ng MTRCB ang kumalat ng post ng filmmaker na si Darryl Yap na pinapa-review na nila ang ginawa niyang pelikula tungkol sa buhay ng dating sexy star na si Pepsi Paloma.

Hindi raw totoong nirerebyu nila ito dahil hindi pa kumpleto ang mga kinakailangang requirements nito.

Nilinaw din nilang hindi tinanggap ng MTRCB Registration Unit ang mga materyales na isinumite ng kinatawan ng Pinoyflix (distributor) sapagkat hiningan ng MTRCB Legal Affairs Division ang nasabing distributor ng Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Kriminal mula sa Regional Trial Court,  Certificate of Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Sibil mula sa Department of Justice, at Certificate of Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Administratibo mula sa Office of the City Prosecutor.

Bilang parte raw ng stan­dard review process ng ahensiya, nakipag-ugnayan kahapon ang Legal Affairs Division sa distributor upang ipabatid ang mga kulang na requirements.

Ginagawa ito ng MTRCB upang masi­guro na ang lahat ng pelikula ay naaayon sa Presidential Decree No. 1986 at sa mga patakaran nito. Binubuo ang MTRCB ng 30 Board Members, isang Vice Chairperson, at isang Chairperson. Ang bawat aplikasyon ay dumaraan sa isang tatlong-miyembrong komite, at kapag kinakailangan, sa ikalawang pagsusuri na binubuo naman ng limang miyembro.

Ang MTRCB ay naninindigan na hindi nito ipagsasantabi ang maling impormasyon at anumang paninirang maaaring makasira sa reputasyon at mandato nitong protektahan ang interes ng publiko. Ang anumang sadyang pagpapakalat ng maling impormasyon ay aaksyunan alinsunod sa batas.

MTRCB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with