Coco, may pangako
May pangako ang Primetime King na si Coco Martin sa ginanap na “Saludo Kay Tanggol” grand Kapamilya homecoming sa ABS-CBN noong Martes (Enero 28) para ipagdiriwang ang pagsisimula ng ikatlong taon ng serye.
“Pinag-aralan namin mabuti ‘yung bawat kwento, bawat character, at kung paano namin itatahi ‘yung original na kwento at original na mga character sa bagong kwento at mga bagong character. Sinisiguro ko sa lahat ng mga Pilipino na mas maganda, mas maantig, mas maaksyon, at mas madrama ngayon ang FPJ’s Batang Quiapo,’” sabi ni Coco.
Rumampa sa red carpet ang mga bagong cast member sa pangunguna nina Jake Cuenca, Andrea Brillantes, Albert Martinez, Angel Aquino, Chanda Romero, Shamaine Buencamino, Juan Rodrigo, Dante Rivero, Michael de Mesa, at Celia Rodriguez, kasama sina Paolo Paraiso, Albie Casiño, Gillian Vicencio, Alhdrin John Opilac, Ahl Opilac, at Diana Opilac.
Layunin daw ng Saludo Kay Tanggol homecoming ang pasalamatan at bigyang-pugay ang lahat ng bumubuo ng FPJ’s Batang Quiapo na nagsisilbing No. 1 primetime teleserye.
Pinangunahan nina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president and CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, at Star Magic and TV production head Laurenti Dyogi ang pagsalubong sa lahat ng members ng cast, creative team, production staff, at mga director.
- Latest