Andrea, tinatago ang mga sinulat na kanta
Pitong taong gulang pa lamang nang magsimula si Andrea Brillantes sa show business. Sa labinglimang taong nakalipas ay marami na ring napatunayan ang dating child star sa industriya. Bukod sa pagiging aktres, influencer at endorser, ay si Andrea rin ang tumatayong CEO ng Lucky Beauty. Kahit kabi-kabila ang ginagawang mga trabaho ay sinisikap umano ng dalaga na magkaroon pa rin ng oras para sa kanyang mga mahal sa buhay.
Hilig ng aktres ang magbiyahe o magbakasyon sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas o maging sa ibang bansa. Para kay Andrea ay masayang karanasan kapag ginagawa niya ito. “Mahirap, nakakapagod, at nakakatakot. But I do it scared, I do it alone and scared. And I have fun while being scared. Ang favorite discovery ko, kapag magso-solo travel kayo, guys, huwag ‘pag pa-winter, huwag autumn or fall, mabigat ang bagahe ninyo. Mag-solo travel kayo, summer. Bakit summer? Ang bitbit n’yo lang sando, shorts, magaan, manipis, Sunday dresses,” pagbabahagi ng dalaga.
Bukod sa pag-arte ay mayroon pang ibang talento si Andrea. Si Taylor Swift pa umano ang nagsilbing inspirasyon upang makapagsulat ng mga kanta si Andrea.
Sa ngayon ay hindi pa malaman ng dalaga kung kailan mailalabas sa publiko ang kanyang mga kantang naisulat. “Napanood ko sa isang interview kung paano siya nagsusulat. Sabi niya, kailangan ko lang mag-start. We’ll know, will this be the year? I don’t know. Naghahanap lang din kasi ako ng tamang timing,” paglalahad ng aktres.
Geneva, nasa strong but soft girl era na sa atleta
Masayang-masaya si Geneva Cruz sa kanyang buhay pag-ibig ngayon. Kasintahan ng singer ang miyembro ng Philippine Brazilian jiu jitsu national team na si Dean Roxas. “This year is going to be extra special because I opened myself to love once again. That’s pretty special because for many years, since 2020, sarado talaga. But now I’m just really happier and grateful. He inspires me. To be better in life, I’m happier. I’m more inspired,” pagtatapat ni Geneva.
Aminado ang singer na talagang nahulog ang kanyang loob nang makilala ang atleta. Nakasama na rin ni Geneva si Dean sa music video ng kantang When Christmas Comes. “Parang mas dumarating kapag hindi mo ini-expect. So ayun, I’ve been happy single for many years. I’m just happier now. Kahit naman strong tayo, masarap din ‘yung meron kang nasasandalan. Kasi for a long time din I’ve been single. For the past five years I’ve been single and I’m just grateful that I have this. Nandito ako sa aking strong but soft girl era, masarap din ‘yung pakiramdam. So, I need to get introduced to my feminine side,” natatawang pahayag ng singer. (Reports from JCC)
- Latest