Batang Quiapo, maraming dinagdag sa cast
Ang saya lang at ang daming nadagdag sa bagong season ng FPJ’s Batang Quiapo, at kasama na rito sina Jake Cuenca, Dante Rivero, Andrea Brillantes, Angel Aquino, Albert Martinez, Shamaine Buencamino, Chanda Romero, Juan Rodrigo, Michael de Mesa at Celia Rodriguez. Ang maganda rito ay nag-Kapuso teleserye man sina Michael de Mesa at Shamaine Buencamino, nagbabalik ABS-CBN sila thru FPJ’s Batang Quiapo.
Good to see the very stylish Celia Rodriguez in ABS-CBN grounds at ngayon after Espantaho, Chanda Romero joins the ranks ng mga Kapamilya.
Totoo bang freelance na ngayon si Chanda at sa kanya pala dumirecho ang negosasyon nito? Ano kaya ang nangyari sa kanyang former management?
Anu’t ano pa man, very Deo Endrinal ang pagpapa-dragon dance at Chinese New Year celebration, kaya, Kung Hei Fat Choi hindi lang sa Batang Quiapo kundi sa ating lahat!
Mga senior star, nagtipun-tipon sa burol ni Gloria
Bukas na ang 80th birthday celebration ni Boots Anson Roa-Rodrigo. Nakakapanghina lang ang huling pagtitipon ng senior stars like her ay sa burol ni Gloria Romero.
Pero sinu-sino kaya ang makikita natin sa selebrasyon bukas? Maliban sa pamilya, malamang lahat ng ka-batch ni Tita Boots – pati na ang mga napagsilbihan niya sa Mowelfund.
Masaya ring malaman na kumpleto ang mga anak niya at kapamilya sa mismong birthday niya. Deserved ni Tita Boots na i-celebrate kaya ipinaaabot natin sa kanya ang ating lubos na paggalang at pagmamahal.
Happy 80th birthday po!
Mga pulitikong taga-showbiz, hinihintay kung isasalba ang Cinemalaya
Sabi ng Film Development Council of the Philippines chair na si Direk Joey Reyes na, “This is the end of something great pag hindi siya na-save.”
Ito ay patungkol sa malaking budget cut sa CCP (Cultural Center of the Philippines) funds. Ang tanong, ano ang uunahin nila, ang building o ang mga nakalinya nang projects?
Pero ginagawa raw ng CCP ang lahat para maghanap ng mapagkukunan ng pondo. Hindi madali itong pinagdaraanan nila, pero sana, sa rami ng mga taga-showbiz na nasa gobyerno, sana magawan na isalba ang Cinemalaya sa pelikula, pati na ang nakasanayan nang Virgin LabFest sa teatro. Paano ba?
MIFF, may masasagasaan?!
May bago na raw dates ang Manila International Filmfest sa Los Angeles – at ito’y sa March 4 - March 7, 2025.
Ang sabi’y may star-studded gala at iba pang activities doon. Tingnan natin ang lineup ng lilipad papuntang Amerika, dahil mukhang sagasa ito sa paglipad ng grupo ng Espantaho sa Fantasporo Film Festival sa Portugal. Sina Bossing Vic Sotto ba tuloy, at si Piolo Pascual? Sila Arjo Atayde rin kaya? Kung walang Juday (Judy Ann Santos), si Janice de Belen kaya puwede?
Malamang kasama pa rin sina Dylan Menor at Mark Rivera na nasa naunang listahan.
Si Ron Angeles, go rin ba ulit? Abangan!
Nakakataquote:
“Hindi porke uso na ang social media, e hindi na natin kailangan ang entertainment media. Hindi totoo ‘yan!”
– Gladys Reyes, maybe she meant “mainstream or traditional entertainment press” – pero sobrang mahal na mahal ng press si Gladys dahil isa siya sa mga nagpapahalaga sa mga kaibigan niya sa press simula pa noong bata siya
- Latest