Lorna Tolentino 7 years old nang unang nakatrabaho si Gloria Romero!
Grabe, seven years old lang pala si Lorna Tolentino nang una niyang nakatrabaho ang pumanaw na legendary actress Gloria Romero na dinirek ni Lino Brocka. Pero ‘di niya maalala ang title nito.
Habang ang pinaka-huling pelikula nila ay ang award winning movie na Magnifico na dinirek ni Maryo J. delos Reyes.
Ang dami raw nilang pinagsamahang pelikula pero hindi na maalala ng magaling na aktres kung ilan exactly ang bilang.
At very close aniya siya sa namayapang actress. “Bata pa ako kasama ko na siya eh. Hindi ko na matandaan pero meron pang ibang pelikula kaming ginawa. Kasi alam ko nine years old ako nakasama ko pa siya,” sabi pa ni Ms. LT nang makausap namin sa birthday blowout ng kaibigang si Gorgy Rula.
Kailan kayo huling nagkita?
“It was like November. Pinuntahan ko siya.”
Nakakakilala pa siya nun? “Yes.”
Anong pinag-usapan ninyo?
“Wala lang. Kasi nanonood siya ng Batang Quiapo. Nanonood siya ng Ang Probinsyano noon. Ayun ‘yung mga pinapanood niya lagi nun,” sabi pa ni Ms. LT.
- Latest