^

PSN Showbiz

Sofronio, nabentahan ng kanyang biko ang mga taga-Showtime

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sofronio, nabentahan ng kanyang biko ang mga taga-Showtime
Sofronio Vasquez

Naranasaan noon ni Sofronio Vasquez ang maging isang OFW o overseas Filipino worker.

Ayon sa binata ay hindi naging madali ang kanyang buhay bilang singer sa isang barko noon. “I worked with one kontrata and hindi ko na natuloy kasi hindi rin madali. Kumbaga sa Philippines ang kantahan ko was ballad. There I had to adapt and I had to learn. Monday for rock songs, Tuesday for a Motown. Kumbaga, meron silang mga theme and you have to deal with that every day. Kaya nga merong mga times na kapag tulog ako, pagod na pagod ako. Paggising ko pagod pa rin ako,” kwento ni Sofronio.

Kahit nahirapan sa trabaho bilang isang OFW ay marami raw natutunan ang binata dahil sa mga naranasan. “Iba ‘yung humor ng ibang lahi so you have to adapt. Challenging siya in a way. I learned and I got to bond with our OFW’s and now looking back, tuwang-tuwa ako kasi natuto rin akong makisama. Kahit malayo ka sa pamilya, ‘yung family mo, ‘yung katrabaho mo, especially Filipinos,” dagdag pa niya.

Nang makabalik sa Pilipinas si Sofronio ay nagkaroon naman ng pandemya sa ilang panig ng mundo. Isang pagsubok ang muling kinaharap ng singer noon. “Wala ng music no’n. Nagbenta rin ako ng biko, ako mismo gumagawa. Nagpapa-book ako sa mga online apps. Pandemic ‘to and hindi ako nahiya mag-reach out sa big stars ng ABS-CBN. Si Karylle ng Showtime, Tiyang Amy (Perez), K Brosas. Na­ging maganda naman ‘yung income pero along the way, sabi ko ‘yung pagod ko, kulang pa rin,” pagbabalik-tanaw ng singer.

“Nagpunta ako ng Amerika trying to push another chapter do’n sa dental career ko at nakapagtrabaho ulit ako. Ayun, na-stumble naman ako ng isang audition, try ko nga, and now I’m here,” pagdedetalye ng binata.

Si Sofronio ang kauna-unahang Pinoy na nanalo sa The Voice U.S. Halos anim na milyong piso ang napanalunan ng singer mula sa naturang kompetisyon. “Gagamitin ko ‘yung pera na ‘yon of course as investment do’n sa music. Kasi music talaga eh and now I was given the chance to penetrate the mainstream which is America. Gagamitin ko talaga ‘yon. I have to produce myself, I have to reach out to people, big names. Kumbaga a no is a no, and a yes is a yes. Kung makatanggap ako ng no, then move on to another. Meron din po ako talagang automatic na recording label do’n sa Republic Records,” pagbabahagi ng The Voice U.S. champion.

Mavy, may mga realization sa Sinulog

Mainit na pinag-usapan ng mga netizens ang mga larawan sa social media nina Mavy Legaspi at Ashley Ortega na magkasamang dumalo sa Sinulog Festival sa Cebu noong isang linggo.

Sobrang sweet umano ng dalawa sa mga naglabasang larawan ayon sa mga tagahanga. Wala namang naging reaksyon si Mavy sa mga komento ng mga netizens tungkol sa kanila ni Ashley. “No’ng nag-Sinulog ako, it just made me realize na life is great. It gave me another chance in life, to stay happy and be happy and know that ito talaga ‘yung deserve ko,” makahulugang paglalahad ni Mavy sa GMA News.

Ngayong nalalapit na ang Valentine’s Day ay marami rin ang nagtatanong sa binatang anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi kung ano ang plano nito. “Valentine’s plan… ang importante maging masaya ang puso,” maikling sagot ng aktor.

Suportado naman umano ng kakambal na si Cassy Legaspi kung ano man ang lagay ng puso ngayon ni Mavy. “As long as genuinely happy siya, happy din ako for Mavy. That’s all I can say,” nakangiting pahayag ni Cassy. — Reports from JCC

OFW

SINGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with