JC Santos, magiging abala rin sa teatro
In fairness, hataw si JC Santos sa kanyang pagti-teatro ngayon with 3 Upuan this February tapos meron pang Foxtrot after. Parami nang parami sa ating magagaling na artista ang sumusubok sa teatro.
Si Nikki Valdez ay nasa Next to Normal. Si Khalil Ramos ay nasa Liwanag sa Dilim. Huwag din daw magtataka kung ang mga katulad nina Ma’am Charo Santos o Sandy Andolong ay nahumaling muli sa teatro! ‘Yan daw kasi ang sukatan ng tunay na aktor, tama ba?
Alex may collab kay Kean
Habang sina Alex Gonzaga at asawang Mikee Morada ay maayos at positibong hinaharap ang pangatlong miscarriage nila, patuloy rin namang bumubuhos ng maraming blessings sa buhay nila.
Meron silang kabuhayan na sila ang boss at sila mismo ang may hawak ng pamamalakad at si Alex, akalain mo bang may collab with Kean Cipriano na kanyang ka-MU noon pang nasa TV5 sila.
Alex only had good words for Chynna na wife ni Kean at wala raw talaga silang ilangan.
Ang magandang tanong - kung kay Alex ay nagagawang makipag-collab ni Kean, sa dati niya kayang bandang Calla Lily, open din kaya siya?
Utos ng korte, sa pelikula ni Yap
Ngayong ipinaaalis na ng korte ang mga teaser na may kaugnayan kay Vic Sotto sa trailer / promo material ng The Rapists of Pepsi Paloma, ano kaya ang epekto nito sa kabuuan ng pelikula?
Tuloy pa rin ba ito ng pagpapalabas sa first week ng February?
Tapos na ba ang pelikula? Are we in for more pasabogs? Abangan!
Big... hinulaang si Bro
Nakakatuwa lang ang bago pa man isiwalat kung anuman yung BIG Announcement sa GMA7 sa 24 Oras kahapon ay hinuhulaan na ng mga tao na may kinalaman ito sa Pinoy Big Brother!
Kung magkaganun man, ibig bang sabihin, nagbayad ang GMA 7 ng ilang taon kayang franchise para sa programang ito? Matatandaang minarapat ng GMA na magtayo sila ng sarili nilang artista search kaysa magbayad ng foreign franchise, kaya kakaiba ito.
Let’s wait and see kung ito nga ang big announcement na tinutukoy, o baka mali tayo?
Pero magandang co-prod ito kung saka-sakali.
Nakakataquote:
“Two years of you, and our hearts have never been fuller. Watching you grow is life’s greatest joy. Happy birthday, our sweet Deia
- Iza Calzado on Deia Amihan’s turning 2
- Latest