Hindi rarampa sa Fashion Week, Pia mas feel ng fans sa travel adventures
May ilang naghihintay na kung rarampa ba si Pia Wurtzbach sa Paris Fashion Week.
Ilang araw nang andun si Heart Evangelista sa France at ang dami na niya nadaluhang fashion show.
Pero si Pia ay hindi pa nagpaparamdam sa PFW.
At sumagot na ito sa isang comment na hindi nga raw siya bibiyahe sa France.
Epekto kaya ito ng pa-survey niya kung saan maraming mas favor sa kanyang travel adventures kesa sa fashion vlogs? Halos kalahati ang numbers.
Meaning mas type ng fans na maging katulad siya ng mister niyang isang travel influencer, si Jeremy Jauncey, na lahat magagandang lugar sa mundo ay napupuntahan talaga.
At least dun parang mas malaki nga ang market niya kesa sa fashion world na obvious na tinatapatan naman talaga niya si Heart dahil sa kanyang glam team na dating kay Heart.
Iba’t iba ang opinion ng fans na baka naman daw hindi na rin sila in good terms ng kanyang glam team na may star complex na rin daw talaga.
- Latest