^

PSN Showbiz

Sandro, nanggulat sa concert ni Gerald at launching ng samahan ng mga inabuso

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sandro, nanggulat sa concert ni Gerald at launching ng samahan ng mga inabuso
Gerald Santos, Sandro Muhlach, at Enzo Almario

Hindi sumayaw o kumanta si Sandro Muhlach sa concert ni Gerald Santos na pinamagatang Courage, pero nagkaroon siya ng participation.

Naging bahagi nga si Sandro ng official launching ng Courage Movement na naging highlight ng concert ni Gerald the other night na ginanap sa Skydome North EDSA.

Kasama sa paglulunsad nito ang mga kapwa nila biktima ng pang-aabuso na sina Enzo Almario.

Ang Courage Movement ay ‘social movement in the Philippines aimed at empowering victims of sexual harassment and abuse. It also aims to raise awareness on these delicate and sensitive issues and how to deal with it objectively.’

Naunang nagsalita si Gerald na suportado nila ang lahat ng mga nabibiktima ng mga pang-aabuso. “We are here not to give a solution to every act of crime committed in our industry or in other fields, but we do offer an alternative refuge for those who are undergoing mental and psychological struggles because of sexual harassment and abuse in their workplace. The Courage Movement, which we are launching tonight, is a movement that encourages and empowers the victims to speak out.”

Dagdag pa ni Gerald : “At least man lang ay mabawasan lang natin ang stigma na kaakibat ng mga ganitong sitwasyon, na ang pagsasalita at paglabas patungkol dito ay lilikha lamang ng isang malaking eskandalo sa pamilya at madadamay lamang ang buong angkhan ng biktima, na sobrang kahihiyan lamang idudulot ng pagsisiwalat ng nangyari dahil ikaw ang inabuso ng ibang tao at wala kang nagawa. At ‘yung paghusga ng ibang tao na kaya nangyari ‘yun ay dahil ginusto mo at hindi ka lumaban, na ikaw pa rin ang matinding sisisihin sa nangyari.”

Dagdag naman ni Sandro : “This concert is all about courage. So, parang ‘yung courage is like having a superpower. Iyon ‘yung nagbibigay sa’yo ng lakas sa loob para magawa ‘yung tamang gawin. And I think ‘yung courage is important sa lahat ng bagay. Kasi ‘yun ‘yung pagtatanggol sa sarili mo. And I hope lahat ng mga biktima magkaroon kayo ng courage. Mahirap, oo, pero ‘andyan ‘yung family. ‘Andyan ‘yung family ko. Thank you sa papa ko na sinuportahan ako all the time. At lahat ng fans ko.”

Sumagot naman ulit si Gerald ng : “Thank you Sandro, for paving the way. Kasi nung lumabas ka, nagkaroon din ako ng lakas ng loob. Kaya, actually, ako ‘yung nakakuha ng lakas sa loob sa iyo. (Kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang independent contractor na sina Jojo Nones at Ri­chard Cruz dahil sa umano’y panggagahasa sa aktor na si Sandro Muhlach.)

Nauna nang inamin ng singer na nakilala ring Thuy sa Miss Saigon Denmark and UK na si Sandro talaga ang naging dahilan kung ba’t pagkatapos ng sampung taon ay inamin niya na naabuso siya ng isang composer.

Sumunod sa kanya si Enzo na ang cute pala nung bata pa base sa mga ipinakitang video sa nasabing concert.

Anyway, bukod sa launching ng Courage Movement, ang dami ring guest sa nasabing concert : Sheryn Regis, Erik Santos, Aicelle Santos, Aster and upcoming singer Elisha na produced ng Echo Jam Entertainment.

ACTOR

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with