^

PSN Showbiz

AiAi, nasusulsulan ng netizens?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
AiAi, nasusulsulan ng netizens?!
Gerald Sibayan at AiAi delas Alas
STAR/ File

Mukhang may balak ang actress-comedienne na si AiAi delas Alas na ipa-revoke ang US visa ng mister niyang si Gerald Sibayan base sa mga komento niya sa mga netizen.

Matapos ngang malaman na may kabit diumano ang mister niya ay nag-post ito tungkol sa “cheater” kung saan nilantad niya ang pagkakaroon nito ng kabit.

At nakisimpatiya sa kanya ang mga tagahanga kung saan ay sinusulsulan din siya na bawiin niya ang lahat ng ibinigay sa ex-husband kabilang na nga ang visa nito.

Mukhang maraming oras si AiAi para alamin ang tungkol sa ex at sa mistress nito dahil sinasagot niya ang mga komento ng mga netizen.

May nagkomento na deserved daw niyang i-void ang citizenship ng ex at huwag kaawaan para raw pagtrabahuhan nito ang sariling citizenship. Dapat daw maging patas sila at ang masaklap daw ay Pinay na ka-community pa raw nito ang kabit at baka raw pinapili nito si Gerald at iyon nga ang pinili, na sinagot niya ng “parang ganon.”

Sa nagsabi na huwag daw itong masyadong mabait at gumanti-ganti kung minsan ay sinabi niyang minsan daw hindi at maghintay lang ito.

Mukhang pinaghahandaan talaga niya ang pagganti at naghahanap ng ebidensya para ma-face reveal iyon.

Sey pa niya ay mukha raw kaedad ng ex ang kabit nito na nalaman daw niya mula sa marites.

Samantala, pinagtalunan naman ng mga netizen ang dapat gawin ni AiAi at may kanya-kanya silang opinyon.

Ayon sa ibang netizen ay hindi naman daw talaga ganun kadali ma-revoke ang Green card gaya ng sinasabi ng ibang netizen.

Marami raw dokumento at kailangan niyang patunayan na fraud ang kasal nila na parang malabo raw dahil sinubukan pa nga raw ng mga ito magkaanak sa pamamagitan ng IVF o in vitro fertilization.

Hindi tuloy maiwasang ikumpara siya kay Pokwang na hindi pa rin tumitigil sa pagiging bitter sa ex. Depensa naman ng iba ay magkaiba naman daw ng atake ang dalawa at non-stop talak daw ito.

Sa latest post niya naman ay nag-repost siya ng video na may mensahe na “I did the loyal shit. Stayed on my best behavior and stil I wasn’t appreciated. So, now I am in my doing ME era.”

Enjoy naman ang mga marites at naghihintay nga raw sila ng mga screenshot.

Grabe sila noh.

AIAI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with