Tony,hindi nakakalimutan ang laplapan nila ni Angel
Hinding-hindi makalilimutan ni Tony Labrusca ang pelikulang Glorious na pinagtambalan nila ni Angel Aquino. Matatandaang naipalabas noong 2018 ang naturang pelikula. Ayon sa aktor ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakipaghalikan siya sa isang proyekto. “We were filming those (kissing) scenes at 9 p.m. hanggang 7 a.m. kinabukasan. It was a long night. On my end, I didn’t know what I was doing. That was my first on-screen kiss like that,” pagbabalik-tanaw sa amin ni Tony sa Fast Talk with Boy Abunda.
Talagang napahanga raw ang binata dahil sa pagiging magaling na aktres ni Angel. Hindi rin nailang si Tony sa aktres kahit sa naturang pelikula lamang nagkakilala nang personal. “Alam n’yo, Tito Boy, sometimes magic just happens. Magic happens when you least expect it. Doon ako saludo kay Angel cause she’s a very experienced actress. She knows exactly what she is doing. So it’s more na I had to step up to the plate ‘coz Angel is very professional. I just had to rise up to the occasion and once you got comfortable with each other, that’s where all the magic happens,” makahulugang paglalahad ng aktor.
Samantala, masayang-masaya si Tony dahil mapapanood na simula Feb. 10 ang Binibining Marikit na pinagbibidahan ni Herlene Budol. Isa ang model-actor sa mga makakatambal ng Kapuso actress sa bagong serye.
Jennylyn, tinuturuang magsumbong ang anak
Isang dekada na ang nakalilipas nang huling magkatambal sa isang serye sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Ngayon ay muling magkakatrabaho ang mag-asawa para sa isang action-drama series ng GMA Network. “Maganda siya kasi iba, bago. First time naming gagawa ng gano’ng klaseng genre. Kahit kaming dalawa na-excite kami nang nalaman namin na iba siya sa mga nagawa namin na projects noon,” nakangiting pahayag ni Jennylyn sa 24 Oras.
Ayon naman kay Dennis ay puspusang paghahanda na ang ginagawa ngayon lalo pa’t maaaksyong eksena ang kanilang kakaharapin sa bagong proyekto. “Kailangan namin talagang paghandaan ‘yung mga sarili namin. Kailangan naming i-ready namin ‘yung mga katawan namin dahil marami kaming mga eksena na gagawin dito. May gagawin kami na mga stunts, mga fight scenes,” paglalahad ni Dennis.
Hinintay muna umano nina Jennylyn at Dennis na lumaki nang kaunti ang anak na si Dylan bago tumanggap ng magkasabay na trabaho. Magtatatlong taong gulang na ngayong Abril ang babaeng supling ng mag-asawa. “’Yung baby namin at least kahit paano mas kampante na kami na iwan siya, dahil alam na namin na kaya na siya ng mga mag-aalaga sa kanya,” pagtatapat ni Dennis.
“Sabi ko nga, hindi ako magwo-work hangga’t hindi pa dumarating ‘yung point na nakakapagsalita na’t nakakasumbong na siya. Para alam ko na kung ano ‘yung nangyari sa araw niya. Kasi ngayon marunong na talaga,” dagdag naman ni Jennylyn.
(Reports from JCC)
- Latest