^

PSN Showbiz

Seth, ‘di makalimutan ang karanasan sa MMFF

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Seth, âdi makalimutan ang karanasan sa MMFF
Seth Fedelin

Apaw ang confidence kahapon ni Seth Fedelin sa Spotlight presscon ng Star Magic.

Tumanggap siya ng Breakthrough Performance Award sa 50th edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa pelikula nila ni Francine Diaz under Regal Entertainment na My Future You na isa 10 official entries noong nakaraang filmfest. “Ang hirap kalimutan ng buong experience ko sa MMFF. Talagang nakakagulat,” paunang pahayag ng Kapamilya young actor kahapon.

Dagdag niya : “Unang-una ‘yung line-up. Lahat ng mga kasaling pelikula ang gaganda, ang gaga­ling ng mga senior actor... aktor, aktres, na sa maik­sing panahon nakilala mo at naging kaibigan sila, na ang misyon namin ay itulak at ipakilala sa tao at buhayin ang pelikulang Pilipino,” sabi pa niya.

Tulad sa theme ng pelikula “from zero and beyond”— nag-uwi ang My Future You ng apat na parangal sa MMFF Gabi ng Parangal : 3rd Best Picture, Best Director (ka-tie ni Direk Crisanto Aquino si Direk Michael Tuviera ng The Kingdom), Best Editing (Vanessa Ubas de Leon), at Breakthrough Performance (Seth Fedelin).

Bukod sa mga parangal na iyon, nominado rin sina Francine at Seth top acting awards. Si Seth ay Best Actor nominee kasama ang mga vetecan actor na sina Dennis Trillo (Green Bones), Vice Ganda (And the Breadwinner Is...), Vic Sotto (The Kingdom), Piolo Pascual (The Kingdom), at Arjo Atayde (Topakk).

Nominado rin ang My Future You para sa Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence, Best Screenplay (Crisanto Aquino), Best Visual Effects (Santelmo Studio Inc.), Best Musical Score (Decky Jazer Margaja), at Best Float.

At iba raw talaga ang epekto nito sa kanya. “Sobrang saya ko, grabe, hindi ko malilimutan ito. Hindi ko ini-expect na magkakaganito.

‘Yung award na ‘yun, hindi ako makapaniwala. Hindi ko talaga ini-expect. Kaya naman delayed reaction lang na parang napansin ako... ‘yung talento ko, ‘yung ginawa ko. Pag-uwi ko parang doon ko naramdam, dun ko lang hinawakan ang trophy ko. Pag-uwi ko gi­sing pa sila mama. Nung i-post ko hawak ko ‘yung trophy, hawak naming lahat, sobrang saya ko,” paliwanag pa ni Seth kahapon.

ACTOR

SETH FEDELIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with