Carmelle collado grand champion ng Tawag..., milyun-milyon ang premyo
Itinanghal si Carmelle Collado ng King Thomas Learning Academy, Inc. bilang kauna-unahang grand champion ng School Showdown edition ng Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime noong Sabado (Enero 18).
Nakakuha si Carmelle ng kabuuang average score na 98% mula sa hurado at tinalo ang kanyang mga kapwa contenders na sina Isay Olarte ng City College of Calapan, na nakakuha ng 97.7%, at Arvery Lagoring ng Claret School-Lamitan, na nakakuha ng 92.5%.
Bilang grand champion, mag-uuwi si Carmelle ng P1 milyon, management contract mula sa Star Magic, recording at music label contract mula sa Star Music, at tropeo na nilikha ng kilalang Filipino sculptor na si Ronald Castillo. Makakatanggap din ng P100,000 ang kanyang paaralan na King Thomas Learning Academy, Inc.
Sa final round, nakakuha ng standing ovation mula sa mga hurado at madlang people ang talentadong estudyante mula sa Camarines Sur, matapos awitin ang isang medley ng Aretha Franklin hits na Natural Woman, Chain of Fools, at Ain’t No Way.
Napabilib ni Carmelle ang 17 Tawag Ng Tanghalan hurados na sina Louie Ocampo, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Marco Sison, Nonoy Zuniga, Jolina Magdangal, Yeng Constantino, Erik Santos, Kyla, Nyoy Volante, Jed Madela, Bituin Escalante, Klarisse De Guzman, Darren, Dingdong Avanzado, Kean Cipriano, at Sofronio Vasquez.
Samantala, inanunsyo ng It’s Showtime hosts ang pagbabalik ng Sexy Babe at ang paglulunsad ng bagong segment na Hide and Sing na mapapanood na sa Lunes.
But anyway, wala pang annoucement kung nagkaroon na ng renewal of contract ang Showtime sa GMA 7.
- Latest