Misis ni Robi, last dosage na ang gamot!
Mas matibay pa ang relasyon ngayon ni Robi Domingo sa kanyang misis at lagi siyang nakaalalay kahit malaking-malaki na aniya ang improvement ng kalagayan ni Maiqui Pineda.
“I would say palagi kong ginagampanan ang responsibilidad ko bilang asawa. Like, even right now, the fact na hinahawakan ko pa rin ‘yung ring kahit anong mangyari. Parang lahat ng gawin ko ngayon, it’s always for us. So, ‘yun, ‘yun iyong masasabi kong doing my part as a husband. And also, when I go home, wala po kaming house help. So, ever since na nagpakasal po kami, kaming dalawa lang, and mas napagtibay ‘yun sa relationship namin,” kuwento ni Robi pagkatapos ng ginanap na media conference ng bago niyang programa na isang reality dance show kasama si Gela Atayde na nag-umpisa na kahapon.
At dami-dami raw niya talagang natutunan sa pinagdadaanan nila ng kanyang misis. “First few months of the relationship of the marriage, akala ko, well usually, people would say, ‘ay, enjoy na ‘yan, trips kayo palagi.’ ‘Yung trips namin, sa hospital. Especially during the first months of her recovery. And I’m so grateful for it. Kasi, ang dami kong natutunan sa sarili ko, sa kanya at sa aming dalawa,” dagdag niyang kuwento.
Kararating lang nilang mag-asawa galing ng Japan. “Kaya nga natatawa na lang ako, we had four big maleta going around Sapporo,” aniya, na parang honeymoon na rin nila ‘yun, lalo na nga raw at sobrang lamig.
“Sobrang lamig talaga eh. So, dami naming maleta. Tapos, medyo nai-stress na kami pareho. And then I would just say, ‘ang daming snow ganyan, ‘yung kasal nga napagtagumpayan natin, ito pa kaya.’ So, lahat ng mga bagay ngayon na madadali at saka nakakairita, mga minor lang, kayang-kaya namang malagpasan pala.”
Dalawa lang aniya sila sa nasabing biyahe kaya medyo mahirap dahil may mga equipment din sila kaya’t ang dami nilang bitbit na mga kagamitan.
“Ako ‘yung maleta, sa kanya ‘yung direction. Mas mahirap ‘yung sa kanya kasi kailangan sakto eh. Kasi kung hindi, mapapagod kaming dalawa. So, teamwork talaga.”
This year aniya ay aligned ang goals nila.
“Especially, she is on her last dosage ng kanyang medicine. And then, hopefully, God willing, we can try. We can try na (ng baby).”
Nakatanggap sila ng maagang Pamasko last year nang aminin nila na nasa clinical remission si Maiqui matapos siyang ma-diagnose na may autoimmune disease.
Samantala, gigil at galing ang ipapamalas ng mga mananayaw sa bagong dance survival reality show ng ABS-CBN at Nathan Studios sa pangunguna nila ni Gela na nag-umpisa na ngang ipalabas kahapon, Sabado (Enero 18), sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.
Sa nakaraang mediacon din ng palabas noong Huwebes (Enero 16), ikinuwento ng New Gen Dance Champ na si Gela ang rason kung bakit ginawa ang Time To Dance.
“This is an advocacy project for me. It’s because being part of the dance community, I see the ins and outs of what really happens. ‘Yung mga kulang, ‘yung mga sobra. Here in Time To Dance, I want to be able to help those who want to explore dance more and also inspire. Nabuo ang Time To Dance because of the heart and passion na nakita nila sakin,” banggit pa ni Gela, youngest daughter ng mag-asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez.
Ibinahagi pa niyang ang inclusivity sa show dahil tampok dito ang mga mananayaw na may iba’t ibang edad, karanasan, at pisikal na abilidad. Naikwento niya rin na makakasama sa show ang celebrity performers na sina AC Bonifacio at Darren Espanto at sikat na dance coaches na sina Chips Beltran, Lema Diaz, at Jobel Dayrit bilang guest judges at coaches.
Ang kanyang Kuya Arjo Atayde ang idolo ni Gela na isang dancer (representative ng first district ng Quezon dahil) sa mga hindi nakakaalam. Isa ito sa original member ng dance group na Legit Status.
Kaya naiyak siya sa video message ng kanyang kuya sa ginanap na mediacon.
Nagwagi na ang grupo ni Gela sa World Hip Hop Dance Championship 2023 sa United States.
Daan-daang representative na kumakatawan sa 55 bansa ang nagbiyahe sa Phoenix, Arizona noon para makipagkumpetensya sa 2023 World Hip Hop Dance Championship at si Gela kasama ang Legit Status ay nakuha nila ang title.
Samantala, pinuri ni Robi ang hosting skills ng ka-tandem, na isang first-time host. “Kitang-kita kay Gela ‘yung gigil talaga na pag-ibayuhin pa ‘yung kanyang craft. Ang laki ng improvement niya since day one. In hosting, what you want is that connection, it’s not all about talking. Ramdam na ramdam namin ‘yun sa kanya,” komento ni Robi.
Binigyang-diin rin ng direktor ng World of Dance Philippines na si Vimi Rivera, na bahagi ng dance council sa show, ang layunin ng Time To Dance na maipakita ang talento ng local dance community ng bansa. Sinabi niya rin na ang show ay “more than just a competition.”
Sa pilot episode ng show, ipapakilala ang 17 dance hopefuls na sasabak sa matinding training kasama ang pinakamagagaling na coach mula sa Philippine dance community. Masusubukan ang gigil, galing, at puso ng mga mananayaw sa group dance evaluations at kapana-panabik na one-on-one dance combats.
Sino kaya ang magpapakita ng gigil at galing at magiging kauna-unahang grand winner Time To Dance? Abangan sa pinakabagong dance survival reality show tuwing Sabado, 8:30 p.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, MYX, iWantTFC, at TFC.
- Latest