Annulment nila ni Sarah inaayos na... Richard, nakita ang genuine intention at pagkatao ni Barbie!
Magsi-share na kaya si Barbie Imperial ng photos nila ni Richard Gutierrez?
Inamin na ni Richard na sa kasalukuyan, “what you see is what you get sa amin ni Barbie,” pahayag niya sa interview ni Ogie Diaz.
“Ang gusto ko lang sigurong i-clarify doon sa mga tao is that si Barbie, walang kinalaman sa paghihiwalay namin ni Sarah.
“Hindi siya third party, hindi nag-overlap. Kasi maraming mga tao, ‘yun nga, mga basher na nagsasabi na siya ang dahilan. Wala siyang kinalaman.
“Nakilala ko si Barbie, matagal na kaming nagkahiwalay ng landas ni Sarah,” pahayag pa ng Incognito actor.
At sa kasalukuyan aniya ay gusto niyang protektahan ang Kapamilya actress. “So, ‘yun, gusto ko lang i-clarify. Siyempre, kasi, parang ang daming nagre-react sa kanya, ang daming naghe-hate comments sa kanya. Siyempre, kailangan ko siyang protektahan at kailangan ko ring i-clarify ‘yun,” sabi pa ng ultimate action star.
Sa kasalukuyan aniya ay nagmo-move forward na siya sa hiwalayan nila ni Sarah Lahbati. “Siguro ‘yung tungkol sa amin ni Sarah, ayoko na rin pag-usapan ‘yung mga nangyaring detalye kasi, we are actually going through an annulment now. And both parties naman want to move forward.
“Actually, at this point, nakapag-move forward na ‘yung both parties. May equal time kami with our kids. So, parang nagko-co-parenting kami. And ang priority namin is to make sure that the kids, you know, live a good life, a happy life.
“And of course, kung happy siya sa buhay niya, at happy ako sa buhay ko, makikita ng mga bata ‘yun. At ang importante sa amin ay ‘yung mga bata.
“So, kung ano man ‘yung dahilan, matagal na panahon na ‘yun, nakapag-move on na kami pareho, 2025 na. Gusto kong magsimula ‘yung taon nang maganda, peaceful, at happy.”
At totoong tao raw si Barbie at nakikita niya ang genuine intention at pagkatao nito. “Si Barbie kasi, totoong tao, what you see is what you get talaga rin sa kanya. Mabuting tao, maalaga, nakikita mo na genuine ‘yung intentions niya, genuine ang pagkatao niya,” paglalarawan ni Chard sa rumored GF sa nasabing interview ni Ogie.
- Latest