^

PSN Showbiz

MTRCB, inilunsad ang Data Privacy Management Program

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
MTRCB, inilunsad ang Data Privacy Management Program
MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio.
STAR/ File

Upang mas maproteksyunan pa ang mga datos na kasalukuyang hawak ng Ahensya, opisyal na inilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nitong Miyerkules, Enero 15, 2025, ang Data Privacy Management Program nito kasunod ng pagsasagawa ng unang data privacy training para sa mga Board Member at empleyado ng MTRCB.

Parte ito ng inisyatiba ng MTRCB na matiyak ang seguridad ng mga sensitibong impormasyon bilang pagtalima sa Data Privacy Act of 2012.

Layon ng programa na matukoy ang lahat ng personal na datos na kinokolekta, pinoproseso, at itinago ng Ahensya, pati na rin ang pagbuo at pagpapatupad ng polisiya para masiguro na epektibong napapamahalaan ng MTRCB ang lahat ng datos at maiwasan ang anumang insidente at pagkakompromiso sa mga ito.

Binigyang diin ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang dedikasyon ng Board na mapangalagaan ang lahat ng datos na kapit ng ahensya.

“Bukod po sa mandato ng MTRCB na maproteksyunan ang pamilyang Pilipino partikular ang kabataan sa pamamagitan ng responsableng panonood, atin din tinitiyak ang seguridad at integridad ng mga impormasyon na ating ginagamit sa operasyon, partikular ang mga sensitibong impormasyon,” sabi ni Sotto-Antonio sa kanyang mensahe.

Kinilala rin nito ang mahalagang parte ng data privacy sa makabagong panahon.

“Sa ilalim ng programang ito, ating matitiyak na tayo ay sumusunod sa nakasaad sa Data Privacy Act of 2012. Makakabuo tayo ng mga hakbang para matugunan ang mga hamon pagdating sa regulasyon at pamamahala ng mga datos ng epektibo.”

Ang naging pagsasanay naman para sa mga empleyado at Board Member ay naging daan para magkaroon ng praktikal na kaalaman ang mga ito upang masiguro na nakalinya sa umiiral na polisiya at regulasyon ang bawat proseso ng ahensya sa pagprotekta ng mga sensitibong datos.

Patuloy naman ang pagtitiyak ng MTRCB na bukod sa mandato nitong pagprotekta sa mga manonood sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa responsableng panonood, sinisikap din ng Board na matiyak ang seguridad ng lahat ng impormasyon na sumasalamin sa dedikasyon ng Ahensya sa mataas na antas ng serbisyo publiko.

MTRCB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with