Kasong Vic at Darryl, pinatatahimik na!
Ahh mismong ang direktor na si Darryl Yap na ang nag-post na may gag order na sila kaya hindi na pwedeng magsalita o magbigay ng mga komento, etc. kaugnay sa kanyang obrang The R*pists of Pepsi Paloma.
Aniya sa sinasabing last post niya : “Posting the latest Order in my case.
“For the information of the public.
“I am enjoined from making any further comment.
“Narito po ang pinakabagong tugon sa reklamo
laban sa Inyong Lingkod.
“1. Nagkakamali ang Divina Law (ang abogado ng kabila) na may order na ang husgado na i-takedown ang aking promo materials para sa #TROPP #TROPP2025
The Rapists of #PepsiPaloma.
Wala pong takedown order.
“2. Ang hearing ay moved na sa Jan. 17.
Hintayin ng husgado ang kanilang sagot sa aking Motion for Consolidation
“3. Meron na pong GAG ORDER sa lahat,
di na kami pwede magpahayag tungkol sa merito ng kaso, para di magkaroon ng kaguluhan sa pag-iisip ng tao.
“Ito na po ang huling pagkakataon na magsasalita ako patungkol sa kaso at naway malinaw po ito sa lahat ng sumusubaybay.”
Ang lahat ng kabilang sa kasong cyber libel na isinampa ni Vic Sotto laban sa filmmaker ay inutusan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 na huwag magsasalita o talakayin ang mga paglilitis sa kaso at anumang kaugnay na usapin.
- Latest