Pero di pa makakalimutin...Tommy Abuel, 50 years na sa showbiz
Nakakabilib ang staying power ng career ni Sir Tommy Abuel.
Fifty years na siya sa showbiz pero ayan at nanatiling relevant sa mga pelikula at teleserye.
Katatapos lang niyang mapanood sa MMFF entry na Espantaho na maiksi man ang role niya pero malaking bagay sa kuwento ng pelikula ni Judy Ann Santos at Lorna Tolentino ang kanyang ginampanan.
Hanggang sa kasalukuyan ay napapanood pa siya sa FPJ’s Batang Quiapo, pero sabi nga niya, nasa ospital pa ang character niya sa kasalukuyan.
“Well, masuwerte in the sense because, physically and mentally, I can still handle all these things,” sabi ni Sir Tommy sa kausap na writers noong nagkaroon ng media conference ang Espantaho.
Dagdag pa niya : “And I was trained to memorize, and that’s the most important thing in this business — you have to have a good memory.
“Otherwise, if you’re faltering in remembering, producers will have second thoughts in getting you.”
Bagama’t pag-amin niya, may mga beses na siyang nahihirapan physically dahil na rin sa kanyang edad.
Pero pagdating sa mental, o pagme-memorya, walang-wala aniya siyang problema.
Matalas pa ang kanyang memorya.
Pero aminado si Sir Tommy na ibang-iba na ngayon ang sistema ng entertainment industry. Like wala raw noon teleserye, drama anthology lang ang tawag.
Ngayon aniya parang pelikula na ang teleserye at malaki na ang budget.
“At the time na kung meron mang series, e, mga pam-before the news, after the news — hindi pam-primetime.
“The attitude of the actors at that time and the attitude of the actors ngayon, ibang-iba na. Technically, iba na rin.
“There was a time na kapag magsu-shoot ka, ipapadala pa yung shinoot mo sa studio, and then ie-edit.
“Ngayon pagka-shoot mo, right there and then, mae-edit na yung mga eksena.
“So, maraming mga pagbabago sa industriya. But as far as acting is concerned, it remains the same. The rules are the same,” sabi pa ni Sir Tommy na matagal kong nakasama bilang kapwa kami board members ng Cinema Evaluation Board (CEB).
- Latest