Jillian, tuloy ang laban sa anxiety
Uumpisahan ng GMA Public Affairs ang bagong taon sa isang exciting tale of love, identity, and transformation sa My Ilonggo Girl, isang regional romantic comedy series na magsisimula na ngayong Enero 13, Lunes, hanggang Huwebes sa ganap na 9:35 p.m. sa GMA Prime.
Pinagbibidahan ng Star of the New Generation, Jillian Ward, the series offers an engaging narrative exploring the fascinating concept of doppelgängers.
Sasabak nga si Jillian sa dual role as Tata, a humble Ilongga from the province, and Venice, a glamorous actress.
Nagsimula ang kuwento nang ipasok si Tata sa mundo ng Venice, na humahantong sa isang serye ng mga pagtatagpo na magpapabago sa kanyang buhay.
Ito ang inaabangang pagbabalik ni Jillian sa primetime at ang kanyang debut project sa GMA Public Affairs. Kaya naman nagpahayag ng pasasalamat at pananabik sa pagkakataong gumanap ng dalawang magkaibang karakter si Jillian.
“I feel so blessed and happy kasi 15 years na ako sa industry pero grabe pa rin ‘yung tiwala sa akin ng GMA, and first time kong magkakaroon ng teleserye with GMA Public Affairs. Nae-excite ako kasi ibang-iba siya sa mga nagawa ko na at marami akong natutunan na bago,” sabi niya.
“First time kong mag-kontrabida talaga tapos dalawa pa ‘yung characters ko. First time ko ring magka-character na galing province kasi mostly ang mga characters ko taga-Maynila. Ibang Jillian ang makikita nila dahil mayroong dalawang Jillian sa show na magkaibang-magkaiba. Ang role ko rin po rito, something fresh and light, pampagaan ng
gabi bago matulog ang
mga tao,” dagdag niya.
Five years old lang nung mag-umpisa sa showbiz si Jillian. Ang kapwa pa noong writer na si Joe Barrameda ang kanyang manager at laging kasama ang kanyang mommy.
Pero ngayon ay hiwalay na ang kanyang parents.
At inamin niya sa interview ng 24 Oras na hindi naging madali ang kanyang paglaki lalo na at strict ang kanyang mga magulang. Pero nang maghiwalay ang mga ito, binigyan na siya ng kalayaan.
“Pero naging mahirap siya for me kasi hindi ko alam saan ako mag-i-start. I grew up na lahat ng kilos ko bantay nila,” pag-amin ni Jillian sa nasabing interview.
Hanggang ngayon daw ay lumalaban siya sa anxiety at may pagkakataong nagiging ‘hard’ sa sarili.
“I guess po nae-enjoy ko siya kasi kapag merong nagpapa-picture, sobrang saya nila. But sometimes meron pong isang incident na wake ng grandfather ko, tapos umiiyak ako tapos merong gustong makipag-selfie.
“Super bata pa po ako noon, mga 13. Growing up hindi ako marunong mag-say ng ‘No.’
“Imagine po nandun ‘yung kabaong ng lolo ko, umiiyak ako tapos may nagpapa-selfie. ‘Ah sige po,’” sabi niya pa tungkol sa mga naranasan habang lumalaki.
Samantala, katambal niya sa My Ilonggo Girl si Michael Sager, at suportado sila nina Teresa Loyzaga, Arra San Agustin, Lianne Valentin, and Arlene Muhlach, ganundin sina Empoy Marquez, Yasser Marta, Richard Quan, Andrea del Rosario, Vince Maristela, Patricia Ismael, Yesh Burce, youngsters Sabreenika Santos, Geo Mhanna, and veteran actress Ms. Carla Martinez and directed by Conrado Peru.
- Latest