Gandaras at Irizz, ayaw pa-pressure sa kasikatan ng BINI
Matapos ang ilang buwang paghahanda, nailunsad na formally ang Dragon Babies ng talent management team nina beauty czar Bambbi Fuentes at Baith Lehem owner Tine Areola, Dragon Entertainment Productions, sa isang mediacon sa Music Box, noong nakaraang Linggo.
Pinangunahan ang media launch ng 39th Star Awards New Movie Actor and Actress na sina Khai Flores at Shira Tweg, respectively, kasama ang showbiz newbies ding sina Jace Eusebio, Migs Coloma, RJ Enzo, Jay Montero at ang all-girl groups na Irizz at Gandaras.
Isa-isa ngang nagpakitang-gilas ang Dragon Babies na unang binuo nina Bambbi at Tine noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Nagsara lahat ng mga negosyo noon kaya naman ginawang studio ni Bambbi ang kanyang beauty salon sa Timog Ave. ‘Yun lang ang naisip niyang gawin upang kahit paano ay may gawin sila ng kaibigang negosyante.
At sa loob ng panahong ‘yon, sumalang sila sa kabi-kabilang workshops, acting projects at auditions.
Sina Khai at Shira ang maituturing na panganay sa kanilang mga alaga. At pinatunayan nilang deserved sila sa ibinigay na pagkakataon sa pelikulang Sugat sa Dugo, ang maiden offering ng movie production ng Dragon Entertainment Productions noong 2021. Isa itong advocacy film tungkol sa HIV/AIDS na lumalaki ang bilang ng mga Pilipinong may ganitong sakit.
Hindi nagpahuli sina Khai at Shira sa husay ng mga beteranong sina Janice de Belen at Sharmaine Arnaiz sa ilalim ng direksyon ni Danilo Ugali. Dahil dun nakamit nila ang New Movie Actor/Actress awards. Ito rin ang nagbigay kay Janice ng Best Actress award mula sa International Film Festival Manhattan.
Pinakilala rin sa Sugat sa Dugo si Christa Jocson, ang leader ng emerging P-pop girl group na Gandaras na binubuo nina Elle, Mira, Kiah at Daffne.
Lately ay nagiging in demand na sila sa mga corporate event kasabay ng launching sa iba’t ibang streaming platforms ng kanilang debut single na Kiss.
Palaban ang grupo na makilala sa music scene. Ayon nga kay Christa, kaya nilang tapatan ang BINI, ang itinuturing na hottest all-female group sa bansa ngayon.
Para naman sa Irizz, ang junior girl group ng Gandaras, commitment sa craft at pagpupursige ang kailangan para ma-achieve ang goal sa showbiz. Ginagamit din umano nilang motivation ang pagsikat ng ibang girl groups sa limelight.
Sa kasalukuyan ay marami na pumupuri sa kanilang kauna-unahang single na Klaro. Ang Irizz ay binubuo rin nina Cary (group leader), Princess, Ginger at Aubrey. “Lagi po naming tinatandaan na ayaw po naming sayangin lahat ng efforts namin at of course, ayaw din po naming sayangin ‘yung oras at ’yung attention ng mga manonood,” katwiran ng miyembrong si Wynona.
Nagkaroon na rin sila ng sold-out debut concert, Dragons Unleashed, noong May, 2024 sa Music Museum. Maraming plano sina Bambbi at Ms. Tine sa kanilang mga alaga ngayong 2025. “Kasi they’re all trained to be a dancer, a singer and an actor/actress,” diin ng celebrity hair and make-up guru.
- Latest