Rufa Mae, napaghandaan ang pagsuko sa NBI
Napaghandaan ni Rufa Mae Quinto ang pagsuko sa National Bureau of Investigation kahapon sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.
Kung si Neri Naig nga ay inaresto, si Rufa Mae ay sumuko.
Mahigit isang buwan na rin nang lumabas ang warrant of arrest laban sa komedyante dahil sa umano’y investment scam.
Kasama niyang bumalik ng bansa ang kanyang pamilya bandang 5 a.m. sa Ninoy Aquino International Airport ayon sa mga report.
Bago ito ay may nagsabi na babalik nga siya ng Pilipinas.
Kinasuhan siya ng 14 counts ng paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code kaugnay ng mga kasong isinampa ng mga investor laban sa skin care company na Dermacare.
Nauna na niyang sinabi na siya ay “biktima rin” ng diumano’y scam at naghahanap ng hustisya sa kasong paglabag sa Securities Regulation Code.
Bukod sa kasong ito, sumabay dito ang problema ng kanyang mister na financial analyst, si Trevor Magallanes, na naglabas ng statement na nasa ‘process of divorce’ na sila ng sexy actress.
Malaki ang naipon ni Rufa Mae nung time na in demand siya sa showbiz kaya naman nang mag-asawa siya ay nagtayo ng negosyo sa Amerika para sa mister.
Pero nag-umpisa siyang intrigahin nang ilabas sa social media na ibinibenta niya ang kanyang two-story condominium sa Makati sa halagang P45.5 milyon - 146-square-meter condominium.
Habang sinusulat namin ito ay wala pang official statement si Rufa Mae. Pero magpapa-interview daw ito.
- Latest