Ate Vi, sumugod sa columbarium para sa kaibigan
Iba rin talaga ang Star for All Seasons Vilma Santos. Kahit anong busy at pagod niya, dinalaw niya si Ed de Leon, ang veteran journalist na namatay bago nag-Pasko.
Very open si tito Ed ( tito ng lahat kahit hindi kamag-anak ) na iniidolo niya si Ate Vi mula umpisa niya sa pagsusulat kaya nang magkaroon siya ng chance noon na isulat ang award winning actress, ginawa niya ang lahat upang ipagtanggol ito.
Hanggang naging mas close pa sila at talagang si tito Ed ang naging tagapagtanggol ni Ate Vi sa lahat ng mga nagne-nega sa kanyang idolo.
Walang lusot sa kanya ang mga fans ni Nora Aunor na pinagsasabong noong kainitan pareho ng career ng dalawang iconic actress.
And rest is history kumbaga.
Dumalaw ang bidang actress ng pinupuring pelikulang entry sa MMFF, Univited, sa pinagdalhan ng abo ng manunulat.
Matagal-tagal din siya sa Mother Theresa Columbarium.
Gusto lang daw talaga ni ate Vi na maging happy si tito Ed.
Bukod sa pagdalaw, nauna na siyang nagpadala ng financial help sa naulila nito.
- Latest