Nakinig sa magulang... aktor, natakot sa aktres na hiwalay sa asawa
Sinaway raw ng mayamang mga magulang ang anak nilang actor nang malamang nakikipag-close ito sa isang actress na kakahiwalay sa partner.
Pinagsabihan daw na ‘wag nitong subukang pumasok sa isang magulong relasyon dahil madadawit siya (actor).
Nakinig naman daw ang actor sa kanyang mga magulang at totally pinutol ang komunikasyon sa actress at doon natapos ang lahat.
Ngayon daw ay may iba na ulit karelasyon ang actress.
Pero ang isang common denaminator daw, pulos may datung ang kanyang mga nagiging ‘papa.’
Sabagay ba’t ka naman papatol sa walang pera sa era ng social media kung saan active ang actress na ito sa pagpo-post ng kanyang mga ganap na at the same time ay pinagkakakitaan din naman niya.
Eh ang actor in all fairness, old rich.
- Latest