Sikat na actress, gusto na ring mag-self managed tulad ni Pia
Parang magiging trend ngayong 2025 ang mga celebrity na self-managed na.
Kabilang dito si Pia Wurtzbach na more than a year na palang mina-manage ang sarili.
Karaniwang 30% ang cut ng mga manager plus may glam team pa. Na malaking bagay sa ibang celebrity.
Anyway, nag-post ang ang dating Miss Universe na siya na ang humahawak sa sarili : “2025 is going to be an amazing year!
“I am excited to share that I have been a self-managed artist for over a year now and 2024 was my most successful year yet!
“Thank you to all of the friends, partners and brands that have made this possible. I cannot wait to do more with you this year, so please get in touch with me directly if you’d like to work together!”
May isang sikat na actress din daw na gusto nang magsarili sa kanyang career.
Pero pinag-iisipan pa raw nitong mabuti.
Mabagal pa rin naman ang usad ng career ng actress sa true lang kaya siguro nanghihinayang din siya sa commi na napupunta sa kanyang management team kung bihira naman siyang makaraket.
Bagama’t hindi ina-advise ng ilang showbiz veteran ang self-management dahil ‘protection’ daw ‘yun.
- Latest