Jillian,naghahanap na ng love life
Magdadalampung taong gulang na si Jillian Ward sa susunod na buwan. Nararanasan na raw ngayon ng dalaga na maging independent. Bago magtapos ang 2024 ay nakalipat na si Jillian sa kanyang bagong condominium unit. “Two months pa lang po ako nakatira do’n sa unit ko, and somehow mas nagbago po ‘yung outlook ko sa buhay. Ayaw kong sabihin na nag-mature po ako pero ‘yon po ang napi-feel ko. Feeling ko po nag-iba ‘yung priorities ko rin. Naging stronger po ‘yung values ko sa sarili ko,” makahulugang pagbabahagi sa amin ni Jillian sa Fast Talk with Boy Abunda.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap ang dating child star na mayroong asawa sa My Ilonggo Girl. Mapapanood na simula ngayong Jan. 13 ang bagong GMA Prime series. “Sobrang ibang-iba po ng show na ito sa reyalidad ko. Kasi first of all wala naman po akong love life, wala pa pong love life. Eh dito may asawa po siya, tapos nagmamaldita po siya, which is sobra talagang struggle po para sa akin ‘yon. Kasi kapag nagmamaldita ako ‘yung mata ko para pa ring naka-smile,” kwento ng aktres.
Ayon kay Jillian ay gusto na niyang magkaroon ng love life ngayong taon. Para sa dalaga ay importante na mayroong inspirasyon upang mas mapagbuti pa ang mga trabahong ginagawa. “Gusto ko pa rin po mag-focus sa sarili ko pero gusto ko rin po kiligin somehow. Kasi natutunan ko po na sobrang laking help po niya ma-inspire tayo sa life, ‘yung meron tayong kilig, ganyan. Love is everything, love sa family, kay God, sa sarili. And hopefully magka-love life this year,” nakangiting pahayag ng dalaga.
Ruru, handa nang pakasal
Malaking bahagi sa tagumpay na tinatamasa ngayon ni Ruru Madrid ang kasintahang si Bianca Umali. Para sa aktor ay mahalaga na mayroong gumagabay at palaging nasa kanyang piling upang pagbutihin ang lahat ng mga ginagawa. “Sabi ko nga hindi ko po mararating ‘tong kung nasaan po ako, hindi ko makukuha ‘tong mga ‘to kung hindi ko po nakilala si Bianca. Sobrang mahal ko ‘yung taong ‘yon. Parang sabi ko nga, ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko, ‘yon na ‘yung dumating si Bianca sa buhay ko. Hindi ko ma-explain kung gaano ko siya pinahahalagahan at kung gaano siya kaimportante sa ‘kin,” masayang pahayag ni Ruru sa 24 Oras.
Sa mahigit anim na taon ng kanilang relasyon ay nakahanda na umanong lumagay sa tahimik ang binata. Si Bianca ang nakikita ni Ruru na kanyang makakasama sa habambuhay. “Yeah! Kung ako masusunod, kung pwedeng ngayon na, ‘di ba? Bakit mo pa patatagalin ang isang bagay kung nahanap mo na eh. Alam ko sa sarili ko na hindi na ako makakahanap ng tulad ni Bianca,” giit ng Kapuso actor.
Samantala, masayang-masaya si Ruru sa nasungkit na Best Actor award sa Metro Manila Film Festival 2024 kamakailan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkamit ang binata ng isang acting award. Para kay Ruru ay nagbunga ang lahat ng kanyang mga pinaghirapan. “’Yon ang nagsilbing gasolina sa akin to work harder. Parang iniisip ko sa una sinasabi ko, ‘Hindi ako maaapektuhan diyan kasi hindi naman lahat ng sinasabi nila ay totoo.’ Hindi ko alam na naaapektuhan pala ako deep inside. ‘Yon ang nagsisilbing inspiration sa akin not just to prove myself to them. But also to prove it sa sarili na deserving ako para sa lahat ng natatanggap ko ngayon. Ayaw ko rin siyempreng biguin ‘yung mga taong naniniwala sa akin,” paliwanag ng binata. (Reports from JCC)
- Latest