Dingdong, pinakasalan ulit si Marian
Ikinasal ulit sina Dingdong Dantes at misis na si Marian Rivera after 10 years.
Yup, kasabay ng kanilang 10th wedding anniversary, nagkaroon sila ng renewal of vows kung saan sila ikinasal noong 2024 - Immaculate Conception Cathedral of Cubao.
This time kasama na nila ang dalawang anak na sina Zia at Sixto.
Walang ibang tao sa simbahan, sila lang mag-anak, base sa mga ipinost nilang photos na ang caption ni Marian ay pasasalamat kay Dingdong na tinutupad ang pangarap niya.
Sa unang post ng aktres ay naluha siya na ikinasal ulit sila. “Walking down the aisle with our kids today, celebrating 10 beautiful years together. Love, GOD and family forever! #DongYan”
Na aniya ay “Same-same, but different ” sa renewal of vows photos nila.
Dagdag pa ni Marian : “I will always cherish our journey with God, and our beautiful children, Zia and Sixto. Salamat sa pagtupad sa pangarap ko, ang magkaroon ng Pamilya.”
Sa post naman ni Dingdong ay sinabi niya na “It has been a meaningful 10-year journey for us. Today, we honor those who have stood by us, prayed for us, and guided us to where we are now. As we step into the next chapters, we carry with us a stronger spirit, with His blessings forever at the center of it all.”
Maraming nakaalala sa boses ni Marian na tumitili ng Sergiooooooo sa Marimar noon kung saan nag-umpisa ang kanilang relasyon.
At dama ng kanilang fans, may forever sa DongYan.
- Latest