Tulong na rin sa mga magsasaka...Nadine, tutok sa tinitindang gatas
Nasa merkado na ngayon ang plant-based milk brand na Dehusk na negosyo ni Nadine Lustre.
Katuwang ng aktres sa pagnenegosyo ang kasintahang si Christophe Bariou. “We actually launched last November 30. Really happy about this project. Chris and I hopped on the project a bit later na. Our partners Sam (Tecuala) and Quan (Tan) have been working on this project for quite a while na. One day lang at a start-up event, they met Chris’s brother. And chris’s brother was like, ‘Hey! My brother is actually trying to make.’ Kasi no’ng time na ‘yon Chris wanted to experiment and try to make his own milk brand. Kasi he realized how inexpensive it is to make oat milk. So probably like all of the plant-based milk baka madali lang,” pagbabahagi ni Nadine sa BRGY show ng The Filipino Channel.
Agad daw na nagkaroon ng interes ang nobyo ng aktres nang malaman ang tungkol sa naturang gatas. “So he was like, ‘Okay what if I try to make this as a business. Parang sobrang timing lang na his brother met them at a convention and then biglang from then on, usap na kami. We tried working on it, dire-diretso na,” dagdag pa ng dalaga.
Maraming mga magsasaka ang natutulungan ngayon nina Nadine at Christophe dahil sa bagong negosyo.
Nakatutulong din umano ang kanilang paggawa ng plant-based na gatas sa ating kalikasan. “What’s amazing about Dehusk is that it’s locally sourced. So we help out the coconut farmers and it’s locally produced as well. Meaning it cuts off a lot of the carbon emission or the carbon footprint. Kasi we’re one of the top exporters of coconuts in the world, and the thing is, our coconuts are sent out. Tapos sent back to us as products and we’re taxed. That’s what our partners are really trying to solve na parang how do we make a product or make a milk or coconut product that’s by the Filipinos, for the Filipinos and addresses a lot of concerns like calcium deficiency, lactose intolerance and the carbon emissions. We are just really lucky that we are on board with this amazing project,” pagdedetalye ng aktres.
Arjo, bumabawi kay Maine
Isa si Arjo Atayde sa mga nominado para sa Best Actor sa ginanap na Metro Manila Film Festival 2024 Gabi ng Parangal kamakailan. Para sa bida at prodyuser ng pelikulang Topakk ay sapat na sa kanya na mapabilang sa listahan ng mga nominado para sa naturang kategorya.
“I’m just enjoying, first time ko sa MMFF (na nominated). Everything is such an experience. Bonus na lang po ‘yon. But it’s very hard to tell because I think this MMFF is very diverse. Iba’t ibang pelikula, iba’t ibang mensahe, iba’tibang emosyon ang binibigay sa mga viewers. And that’s part of the industry and the government. To be part of the 50th Metro Manila Film Festival is already such a bonus. Especially, first time din ng producers namin. Soeverything’s a bonus. Awards, we don’t work for that. We work to tell a story. We’re all storytellers” nakangitingpahayag ni Arjo.
Hindi man humakot ng parangal ay umaasa pa rin ang aktor na susuportahan ng mga manonood ang kanilangpelikula.
Hanggang January 7 ipalalabas sa mga sinehanang mga kalahok sa MMFF 2024. “’Yon nga ang problema namin, less cinemas but we’re not complaining. It is what it is. Siguro sa lahat ng manonood, ako ay nananawagan. Baka pwede n’yo panoorin ang Topakk.’ Unahin n’yo na po sa inyong listahan dahil konti lang ang aming sinehan. Pero rest assured, you are in a ride of your life dahil ito ay kakaibang action and sana mabigyan n’yo ng pagkakataon,” pakiusap ng aktor.
Samantala, bumabawi umano si Arjo sa asawang si Maine Mendoza dahil naging abala sa lahat ng aktibidad ng MMFF. Bilang aktor, prodyuser at politiko ay talagang kabi-kabila ang ginagawang trabaho ni Arjo. “It’s already wife days ahead. Kasi nga naka-break pa naman sa congress and New Year’s is up ahead. Then it’s wife time,” nakangiting pagtatapos niya. — Reports from JCC
- Latest