^

PSN Showbiz

Intro kay Vice inintriga...Lorna at Dennis, pinagkakitaan sa social media

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Intro kay Vice inintriga...Lorna at Dennis, pinagkakitaan sa social media
Vice Ganda

Biglang naging isyu ang paggawad ng Special Jury Citation kay Vice Ganda na kung saan sina Lorna Tolentino at Dennis Trillo ang presenters.

May ibang gumawa ng content na tila napasama pa sila dahil sa hindi pagbasa ng explanation sa award na natanggap ng Unkaboggable Star.

May nagkakalat ng video clip na nainis daw si Lorna kay Vice Ganda dahil sa sinabi nitong hindi niya naintindihan kung para saan ang award na iyun.

Pinapalabas na nairita si LT nung kumukuda na si Vice Ganda na hindi niya naintindihan kung bakit siya binigyan ng ganung citation.

Kaya tinanong ko na rin si Lorna tungkol dito. Ipinaliwanag ng aktres kung ano yung nangyari nang umakyat sila ng stage para i-present ang naturang award.

Ayon sa aktres, ang instruction sa kanila ay idagdag na i-present itong Special Citation para kay Vice Ganda.

‘Yung cue card na babasahin nila kung sino ang tatanggap ng naturang special citation ay si Dennis Trillo.

Ayaw na sana itong pansinin ni Lorna, pero ang  fans niya ang nagpo-forward sa kanya ng ilang bashing na para ngang nairita ito sa mga sinabi ni Vice. Parang si Lorna pa ang masama sa sitwasyong iyun.

Ayon kay LT, naintindihan daw niya si Vice Ganda.

Mas malinaw sana kung nabasa ni Dennis ang buong nakasulat sa papel na ibinigay sa kanya. Kaso, ang pangalan lang ang binanggit nito at ibinaba na niya sa sahig ang hawak na papel, dahil ang susunod niyang basahin ay iyung sa Best in Screenplay.

Nakita pa raw niya  sa cue card ang explanation ng naturang award kaya itinuro nito kay Dennis na doon niya simulan ang pagbasa.

Maaring sinunod lang din ni Dennis ang instructions na ibinigay sa kanya.

Kaya nung nagtanong na si Vice Ganda tungkol sa award na natanggap niya, naisip ni Lorna na ipakuha ang papel at ipinabasa iyun kay Dennis.

“Kay Dennis kasi naka-assign ang pagbasa nung ibinigay sa kanya na papel. Alangan namang agawin ko yun at ako na ang magbasa lahat.

“Sumunod lang ako based sa hawak kong papel at sa teleprompter na nakasulat,” pakli ni Lorna nang nakausap namin sa telepono a day ago.

Tila napahamak pa si LT sa pangyayaring iyun, gayung gusto lang niyang malinawan ang lahat lalo na ang Unkaboggable Star.

“Naintindihan ko naman kung hindi nga naintindihan ni Vice kung para saan iyun, naisip ko dapat na basahin nga yung explanation na nakalagay dun sa papel.

“Kaya sinabi ko na, ‘eto na po, basahin na po. Pinabasa ko na sa kanya (Dennis),” sabi pa ni Lorna Tolentino.

Sa totoo lang, nagkakaisyu lang ng ganito dahil sa ilang gustong gumawa ng mga nakakaintrigang content para magkaroon ng maraming views sa kanilang page.

Di ba ito rin ang nangyari kay Cristine Reyes na na-bash dahil sa komento niya sa pag-present ng Best Supporting Actor category na nagkaroon ng dalawang nomination si Sid Lucero.

Ginawan din ng isyu ang pag-alis agad ni Cristine pagkatapos mag-present, na parang ang dating nag-walkout na ito. Iyun pala nag-aalala na ito sa inang isinugod na sa hospital.

Anyway, kahapon ay may nag-post sa X ng isang video nung nag-present sina Lorna at Dennis. Nakangiti pa si Lorna at natatawa sa mga sinabi ni Vice, bago niya ito pinakorek at pinabasa ang explanation kay Dennis.

Mabuti na lang at maraming kumuha sa iba’t-ibang anggulo para lumabas lang ang buong katotohanan.

Pero nakakatakot na talaga ang ginagawa ng ilang content creators para lang makakuha ng maraming viewers at kumita.

Naglabas na rin ng statement ang kampo nina Dennis kaugnay sa isyung ito.

Narito ng sagot ni Jan Enriquez, ang general manager ng Aguila Entertainment.

“Thanks for reaching out. Sa totoo lang po it’s a first time we are hearing about it this from you po. We are not aware na may ongoing bashing or kung ano extent ng bashing na ito.

“With regard to the Jury Citation presentation naman po, it was unfortunate that Vice Ganda has to accept her award without context kung ano ito. Buti na lang napakahusay ni Vice at na-handle niya ang sitwasyon at sa halip na maging awkward ay naging entertaining ito sa mga manonood.

“For your information din po tito, both Dennis and Ms. LT were invited to present the best screenplay award and they were briefed about the additional category to be presented just minutes before they went up on stage. Dennis was only instructed to read the name agad since wala naman nominees at special citation nga ito. So yun ang ginawa niya upon seeing the name of Vice Ganda. Wala rin sa prompter ang description which I can personally attest to because  I was on the side of the stage when this is all happening.

“I am not pointing fingers at anyone. Clearly may miscomm lang po na nangyari and sumunod lang naman sina Dennis and Ms. LT based sa kung paano nila naunawaan ang brief sa kanila.

“I also understand na these things happen in a live event, so sana wag na lang intrigahinpa ng netizens at maging masaya na lang po tayo sa winners. For sure walang sinuman ang may intent to disrespect Vice or anyone who went up that stage.

“At the end of the day, it is a celebration of Filipino talent and creativity in film, so lets focus on that na lang po sana.”

VICE GANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with