Kuya Kim, nagbigay ng impormasyon sa hiwalayan nina Aiai at Gerald
Nagbigay ng opinyon si Kim Atienza tungkol sa nangyaring hiwalayan nina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan kamakailan. Naikwento sa amin noong isang buwan ng aktres na sa pamamagitan ng chat lamang nakipag-usap upang makipaghiwalay ang mister. “Mali ‘yan, dapat naman ay face to face. Napakasakit, kapag chat o text mas masakit eh. Wala kang makitang emotion. Minsan kapag sinasabi do’n sa text, that’s magnified, 10 , 20, 30 times more dahil hindi mo nakikita ang mukha sa pagsasabi. Kung sasaktan mo ako, saktan mo ako nang magkaharapan tayo at magkaalaman tayo. Kung ite-text mo sa akin, mas masakit ‘yon. At ang feeling mo talagang nababastos ka, mali ‘yon,” paliwanag sa amin ni Kim sa Fast Talk with Boy Abunda.
Para sa TV host ay mahalaga ang edad sa pagsasama ng isang mag-asawa. “Age matters, age will always matter. Kung mas matanda ang lalaki, mas ideal. Normally mas stable na ‘yung lalaki. ‘Pag matanda ang babae at mas bata naman ang lalaki, may mga pangangailangan ang lalaki na hindi maibibigay ng babae lalo na physically. So age matters. But what is more important than the age is commitment. Kung mayroong discrepancy sa age, mas matinding commitment ang kailangan ng pareho to make it work. It will always work but with a certain degree of difficulty because of age,” makahulugang pahayag niya.
Ayon kay Kuya Kim ay importante rin ang pagkakaroon ng mga anak ng mag-asawa upang mas tumagal ang pagsasama. “Napakahalaga para sa akin because love comes and goes eh. Time will come that one will stay and that relationship will not be as ideal, pero kapag may anak, you are forced to make it work. Because marriage is commitment, marriage is a choice eh. Kapag may anak ka, it’s easier to stay. Meron kang pinanghahawakan, ipinaglalaban, ‘yung anak mo. Kapag wala kang anak, kapag umabot do’n sa punto na medyo malabo, bibigay. A lot of marriages stay intact because of the kids. And then eventually, they’ll fall in love again,” paglalahad ng TV host.
Zephanie, pinapayuhan ni Miguel
Simula ngayong Jan. 6 ay mapapanood na ang Mga Batang Riles na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roelan, Raheel Bhyria at Antonio Vinzon. Kabilang din sa bagong proyekto ang singer-actress na si Zephanie. Madalas umanong makipagkulitan ang dalaga sa limang bida ng serye. “Balanced naman po ‘yung kulit pati ‘yung seryoso kapag nasa tent kami. Minsan tumatambay po ako kapag break. Tapos, nag-uusap, nagjo-joke minsan. Minsan din sina Miguel, nagbibigay ng mga advice. Pero ‘yon lang, talagang mapang-asar lang sila minsan. Actually, si Antonio ‘yung palagi naming inaasar,” kwento ni Zephanie sa 24 Oras.
Kahit mapang-asar ang limang bida ng bagong serye ng GMA network ay talagang magagaling naman umano ang mga aktor kapag nasa harap na ng kamera. “Kapag action na talagang kita mo na seryoso sila, work mode po talaga. And knowing na action scenes ‘yung ginagawa nila, nakakabilib po makita,” giit ng dalaga.
Samantala, masayang-masaya si Zephanie dahil magkakaroon ng bagong season ang Maka sa susunod na taon. Matatandaang nagbida ang dalaga sa naturang teen-oriented show ng GMA Public Affairs. “Official na po, may season 2 ang Maka. And we’re very excited na mapag-usapan na ‘yung magiging istorya naman po this time. May mga bagong characters, siyempre new environment. Bagong story naman po for all of us,” pagbabahagi ng singer-actress. — Reports from JCC
- Latest