^

PSN Showbiz

Mga malalaking balita ng 2024, babalikan sa “sa likod...”

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga malalaking balita ng 2024, babalikan sa âsa likod...â
Carlos Yulo
STAR/ File

Sa pagtatapos ng taon, babalikan ng Kapamilya reporters ang ilan sa pinakamalalaking kwentong nagmarka sa taumbayan at mga isyu na bumuo ng taong 2024 ngayong Linggo (December 29), 8:30 p.m., sa Sa Likod ng Balita 2024: The ABS-CBN Year-End Special.

Samahan ang mga mamamahayag ng ABS-CBN na nanguna sa pagababalita ng pinapapinag-usapang mga isyu at aktwal na nasaksikhan ang mga kaganapan sa harap at likod ng kamera kasama sina Karen Davila, Sherrie Ann Torres, Vivienne Gulla, Johnson Manabat, Katrina Domingo, RG Cruz, at Dennis Datu.

Balikan ang kontrobersyal na pagkakasangkot ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na umano ay nameke ng kanyang pagkatao at ang kanyang kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na lumikha ng ingay matapos ang ilang mabusising pagdinig sa Senado at Kamara.

Tatalakayin din ang kontrobersyal na “extrajudicial killings” at giyera kontra-droga ni Dating Pangulo Rodrigo Duterte na nagbukas ng pinto para maiimbestigahan ang mga kaso na konektado rito sa ilalim ng kanyang administrasyon. Kasama na rin dito ang koneksyon niya umano kay Pastor Apollo Quiboloy na humaharap din sa patong-patong na akusasyon at kaso.

Aalamin naman kung paano nauwi sa hiwalayan ang “unity” ng tambalang BBM-Sara na parehong nakaupo sa pinakamataas na pwesto sa gobyerno matapos magbitiw ni Vice President Sara Duterte sa gabinete bilang Department of Education secretary na sinundan naman ng maiinit niyang tirada kontra kay Pangulong Bongbong Marcos.

Tatalakayin din ang ilang mga kalamidad na kinaharap ng bansa ngayon taon na malalang nakaapekto sa kabuhayan ng mga Pilipino tulad ng paghagupit ng magkakasunod bagyo at pagiging aktibo ng bulkang Taal at Kanlaon.

Sa kabila ng mga hamong kinahaharap ng bansa, tutuklasin naman kung paano nakapagbibigay ng aliw at pag-asa sa buong mundo ang Nation’s Girl Group na BINI at pandaigdigang tagumpay ni Two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Huwag palampasin ang Sa Likod ng Balita 2024: The ABS-CBN Year-End Special sa darating na Disyembre 29, 8:30 p.m., na mapapanood sa A2Z, Kapamilya Channel, ABS-CBN News’s Youtube Channel, at iWantTFC.

ABS-CBN

CARLOS

YULO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with