^

PSN Showbiz

Bus operators binalaan sa pagpapalabas ng malalaswa

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bus operators binalaan sa pagpapalabas ng malalaswa

MTRCB sa mga Drivers at Operators: “G” at “PG” lang ang pwedeng ipalabas sa mga PUVs

Ngayong dagsa ang mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng bansa, nagpaalala ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa lahat ng operators at drivers ng mga pampublikong sasakyan o Public Utility Vehicle (PUV) na tanging rated “G” (General Patronage) at “PG” (Patnubay at Gabay ng Magulang) lamang ang pwedeng ipalabas habang nasa biyahe.

Batay sa MTRCB Memorandum Circular No. 09-2011, kinikilala bilang common carriers o isang sinehan na rin ang mga PUV dahil nagpapalabas sila ng mga pelikula na sakop ng MTRCB.

Sa ilalim ng batas, dapat ay pwede para sa lahat ng manonood, partikular sa mga bata, ang mga pelikulang ipinapalabas sa mga pampublikong transportasyon.

Batay sa Chapter Chapter 3, Section 1-3 ng naturang Memorandum Circular, ang mga PUV ay dapat sumunod sa regulasyon gaya ng pagtalima ng mga sinehan.

Ito ay para matiyak na ang mga pelikula ay angkop para sa lahat ng biyahero at hindi magkakaroon ng negatibong epekto sa mga bata na bumabyahe kasama ang kanilang pamilya.

“Kasama po sa aming mandato na matiyak na ang lahat ng palabas sa loob ng pampublikong sasakyan ay ligtas para sa lahat ng pasahero, lalo na sa mga bata,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio. “Parte ito ng mas malawak naming trabaho na maprotektahan ang ating mga kababayan.”

Mariing paalala ng Board sa mga PUV operators na sumunod sa naturang panuntunan.

Hinihikayat din ng MTRCB ang publiko na isumbong sa Ahensya ang mga lumalabag sa mga opisyal na social media channels ng MTRCB (@MTRCBGov) at email:  [email protected].

Ang mga pasaway ay parurusahan batay sa Presidential Decree No. 1986 at Chapter XIII ng 2004 Revised Implementing Rules and Regulations.

BUS

MTRCB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with