Howie Severino, sinugod sa ospital nung Pasko!
Isinugod ang multi-awarded documentarist na si Howie Severino noong Pasko.
Nilantad niya mismo ito sa kanyang social media post kung saan kinuwento niya ang nangyari sa kanya.
Ipinakita niya roon ang litrato niya habang nagbabasa ng libro habang ginagamot siya sa emergency room ng isang ospital.
Gusto raw niyang malaman kung ano ang dahilan ng kanyang back pain na baka raw sintomas ng kung anong seryosong kondisyon.
Wala naman daw nakitang fracture sa mga X-ray niya at tingin lang daw ng doctor niya na naka-duty noong Pasko ay muscle strain lang mula sa pagbubuhat ng mabigat sa garden nila.
Ilang araw daw kasi ang nakalipas nang buhatin niya ang isang toog tree seedling papunta sa kotse niya. Hindi raw niya akalain na mabigat ito at mukhang mali raw ang pagkakabuhat niya roon.
Isa raw iyon sa pinakamataas na native tree sa Pilipinas at kahit daw ang batang ganon ay nag-iiwan ng impresyon. At itinuro raw noon ang isang aral sa kanya na “Don’t overestimate my strength, and don’t underestimate a toog.”
At sa huling bahagi ng post niya ay nag-shout out siya sa efficient at pleasant Christmas duty staff sa ospital kung saan siya tinakbo sa Sta. Rosa, Laguna.
Samantala, may nag-akala na metaphorical lamang ang kanyang post na para lamang sa Pasko at ‘di inakalang literal pala ito. ‘Kaloka.
Inulan naman siya ng get well soon messages.
- Latest