^

PSN Showbiz

Nabuntis ang anak pagka-graduate... Pokwang, matagal nang lola!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Nabuntis ang anak pagka-graduate... Pokwang, matagal nang lola!
Pokwang at Mae

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ina­min ni Pokwang sa telebisyon na mayroon na siyang apo. Taong 2020 nang isinilang ng anak ng komedyana na si Mae ang isang batang lalaki. “Tito Boy, may apo na ‘ko. I’m a lola and it’s another blessing. Super, super cute. Another blessing ng buhay ko. Another reason na ipagdasal ko ‘yung sarili ko na humaba pa ‘yung buhay ko para makita ko ‘yung paglaki. Tapos super, super cute na bata. Super talino, four years old. I’m so proud, I’m a proud lola,” emosyonal na pahayag ni Pokwang sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Magtatrabaho raw dapat sa New York noong 2020 nang magbuntis ang panganay na anak ng aktres.

Hindi umano nakaramdam nang galit si Pokwang kay Mae kahit nagdalang-tao ang anak na hindi pa kasal sa nobyo. “Lagi kong sinasabi maka-graduate ka lang masaya na ‘ko. Kasi ‘yon lang talaga. Sinunod naman niya ako kahit masakit sa likod ‘yung tuition fee niya. Sabi ko, ‘Anak maka-graduate ka lang, ako na ‘yung pinakamasayang nanay.’ Ginawa naman niya, naka-graduate siya, nakapagtrabaho siya, hindi naman siya naging pasaway na bata. Hindi naman siya naging sakit na ulong anak. Kaya no’ng nalaman ko na she’s pregnant, I am so, so, so happy. Hindi ako nagalit, hindi ko siya sinumbatan,” paglalahad ng komedyana.

Nagpaplano na ring magpakasal si Mae at ang non-showbiz boyfriend. Ang magkasintahan ang nag-aasikaso ngayon ng negosyong sinimulan ni Pokwang.

Nagalit noon si Mae sa dating kasintahan ng ina na si Lee O’Brian dahil sa hindi nito pagtupad sa pangako. “I told him, ‘Ingatan mo ‘yung mama ko kasi for 21 years, kaming dalawa lang.’ Wala kaming ibang kasama sa buhay, so gusto ko lang, ingatan niya si mama at huwag niyang sasaktan. Pero in the end he broke his promise,” pagbabahagi ni Mae.

Ngayong taon lamang daw sinabi ni Pokwang kay Mae na gusto siyang palayasin sa sariling bahay ilang taon na ang nakalilipas.

Ikinagulat daw ni Mae nang malaman ang kwento tungkol dito. “Nagulat po ako na gusto akong palayasin ng ex niya sa house ‘coz I got pregnant without getting married. He wanted me out of the house and I don’t know why. Tsaka between me and him, parang ako ‘yung mas may karapatan na nasa bahay, hindi siya kung tutuusin,” emosyonal na pahayag ng anak ni Pokwang.

Umaasa si Mae na makakahanap si Pokwang ng lalaking tunay na magmamahal sa aktres. “Of course, Tito Boy, gusto ko siyang makahanap ng makakasama habambuhay. Since ako may sarili na rin akong pamilya, ‘di ba? Gusto ko siya rin, gusto magkaroon siya ng katuwang niya. Kasi siyempre iba ‘yung relationship natin as family. Iba rin ‘yung magkaroon ka ng partner mo talaga. So ‘yon ang gusto ko sa kanya,” paliwanag ni Mae.Reports from JCC

POKWANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with