^

PSN Showbiz

MMFF box office, ‘di pa gaanong sumisipa sa takilya

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
MMFF box office, ‘di pa gaanong sumisipa sa takilya

Ramdam sa mga sinehang naikot namin ang mahinang turnout sa box-office ng 50th Metro Manila Film Festival.

Nagbukas ito nung Miyerkules, at nagtambay kami sa Gateway cinema sa Cubao at hindi siya kasindami kung ikumpara nung nakaraang taon.

Ayon sa mga pagtatanong namin, ang pelikulang And The Breadwinner Is... ang number one sa top grosser.  Expected na ‘yun dahil meron silang mahigit 200 cinemas.

Hindi pa ito official report o confirmed pero mula sa ilang reliable source, mahigit P30M daw ang kinita nito sa unang araw ng MMFF.

Sumunod ang The Kingdom, pumangatlo ang Espantaho, at pang-apat ang Uninvited.

Itong tatlong pelikulang sumusunod sa Breadwinner... ay mahigit 100 cinemas ang nakuha kaya expected na yun.

Mabuti nga ang Green Bones na sumunod sa Uninvited na mahigit 40 lang ang sinehan ay malakas pa rin.

Baka lumaki pa itong pelikula nina Dennis Trillo at Ruru Madrid kapag makakuha ito ng maraming awards sa gaganaping Gabi Ng Parangal.

Okay naman ang first day earnings ng nasa limang top grosser, pero ‘yung lima pang nasa panghuli ay nakakalungkot ang kinita sa unang araw.

Maaaring nakakaapekto rin ‘yung sama ng panahon, dahil buong araw nung Pasko ay tuluy-tuloy ang pag-ulan.

Gusto man nating umasang lalakas pa sa susunod na araw, pero nung nag-ikot uli kami sa pangalawang araw, kokonti na ang mga tao.

Nasa Trinoma kami kahapon na madalas matao ‘yan ‘pag Pasko, pero kokonti lang at walang pila sa takilya.

Nung nakaraang taon kasi, nag-holiday pa pagkatapos ng Pasko, kaya tuluy-tuloy ang panonood ng mga tao.

Sana makabawi pa, pagkatapos ng awards night ngayong gabi.

Juday, hindi pa kaya ng puso ang pagiging producer

Reluctant producer pa si Judy Ann Santos.

Isa si Judy Ann sa producers ng MMFF entry na Espantaho ng Quantum Films at Cineko Productions, ang Purple Bunny Productions nila ni Ryan Agoncillo.

Pero sabi ni Juday, parang hindi pa raw siya handang maging producer talaga.  “Actually, sa pagpo-produce nag-o-observe lang talaga ‘yung buong team. Kasi wala naman talaga kaming alam technically, especially sa movies,” napangiti niyang pakli sa aming interview.

“‘Yung ngayon, we just really want to try it out what is out there when it comes to producing. Ahhh, kaya ko ba? Parang hindi ko masyadong kaya.

“Nag-enjoy naman ako. Pero masyado kasing makatao ‘yung puso ko e,” dagdag niyang pahayag.

Ipinaliwanag niya sa amin ‘yung sinasabi niyang makatao, dahil mas nanaig pa rin daw talaga ‘yung nararamdaman niya sa mga tao, hindi ‘yung pagtitipid o kung paano kumita.

“‘Yung hindi ko kaya, halimbawa bumabagyo. Automatic para sa akin, sige huwag na lang tayo mag-shoot ngayon, kasi kawawa naman ‘yung mga tao. Kumbaga, hindi ko pa naiisip ‘yung part na ‘yun ng producer’s brain na ‘yung deadline mo, may mga babayarang tao, ‘yung location, ‘yung ganyan.

“Automatic ako talaga na klikitain naman natin ‘yun at some point. Mas importante ‘yung safety ng mga tao,” sabi pa ni Juday.

May natutunan naman daw siya kay Atty. Joji Alonso ng Quantum. Pero sa ngayon ay hindi pa raw siya ganun ka-go na go as producer.

“Siguro bago ako makarating sa brainwave ng isang producer, kailangan ready ako. Kailangan parang handa akong maging may slight pusong bato when it comes to calamities and all. Siyempre may mga moments naman na napa-pack up naman kami. Lalo na dito sa Espantaho dahil inabot kami ng apat na bagyong sunud-sunod.

“Napanood n’yo naman ‘yung Espantaho na ‘di ba na nakita n’yo na may mga eksena kami na may ulan, basa. Hindi naman talaga dapat kasama ‘yun, pinanindigan na lang namin. Kasi kung hindi, hindi kami aabot ‘di ba?  Kumbaga, dumating na kami sa puntong gusto na namin ipa-CG(I) ‘yung basang kalsada.”

‘Yung sinasabi niyang CG ay CGI o Computer Generated Image.

“So, hindi nga ako puwede maging producer kasi ‘o sige i-CG na natin.’ ‘Juday, mahal ang CG,’ ‘o sige huwag na natin i-CG,’” dagdag niyang pahayag.

Ang concern pa raw niya ay kung nakakakain ba ang mga tao, lalo na’t pagod na pagod sila sa set.

“Gusto ko kasi busog sila, nakakain sila. Kasi sinusunod namin ‘yung working hours na ibinaba ng DOLE, saka ‘yung Eddie Garcia bill.

“Kasi nga para sa akin, kung hindi kasi... kung hindi masaya ‘yung mga tao sa set ko na nagtatrabaho, hindi siya worth it sa akin. Gusto ko happy set. Para sa akin kasi hindi mabibili ‘yung happiness sa set e. ‘Yung... pagod kasi talaga silang lahat. Tapos ang tindi ng mga sets namin, ang pinakabawi na lang sa kanila is ‘yung makakain sila ‘pag nakaupo sila, pagka halimbawa mag-change ng setup, ‘yung nakakasubo sila,” sabi pa niya.

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with