^

PSN Showbiz

Vice at Vic Sotto, wagi pa rin sa takilya!; himala, nabawasan agad ng sinehan

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Vice at Vic Sotto, wagi pa rin sa takilya!; himala, nabawasan agad ng sinehan
Vice Ganda

Hindi nagpatinag ang mga manonood na Pinoy sa ulan sa unang araw ng 50th edition ng Metro Manila Film Festival!

“Nalampasan nang di hamak” ang sagot ng taga-sinehan ng 50th MMFF ang Opening Day gross ng MMFF last year! At maraming pelikula ang nakangiti at maganda ang standing.

Ang challenge is, ma-maintain kaya nila ang laki ng kanilang kita at dumami pa kaya ang manonood na Pilipino? Sana!

Nakakatuwa dahil maganda rin ang box office showing ng pelikula ng dalawang Santos: Judy Ann at Vilma Santos na marami ring nanood sa Opening Day.

Sana lang talaga, maganda ang word of mouth nito para pataas na nang pataas ang kikitain nito sa mga susunod na araw.

Pati nga Green Bones nina Dennis Trillo at Ruru Madrid ay nadagdagan pa ng sinehan kaya magandang senyales ito na may demand ito sa viewers at kumikita ito sa takilya.

Mababago talaga ito pagdating ng awards. Malamang.

Medyo tama pa rin ang Film Development Council of the Philippines study na kakaiba pa rin ang hatak ng kilalang artista kapag gumagawa sila ng isang significant project. Medyo kailangang mag-himala ang entry ni Aicelle Santos para dumami pa ang suporta ng mga tao maliban sa mga taga-teatro sa pelikulang Isang Himala.

Nagbigay raw ng statement of support ang ating Superstar at National Artist Nora Aunor sa mga kaibigan niya sa press lalo na nang malaman niyang nabawasan na ang sinehan ng mga ito since Opening Day.

Anyare ba?

Bakit ba hindi nakuha ng Isang Himala ang suportang natamo ng GomBurZa last year? It’s never too late dahil umaasa ang Isang Himala team na mabibiyayaan sila ng awards sa Gabi Ng Parangal mamaya!

At mula roon, sana makabawi ito sa box-office! Harinawa!

Ngayon, ano ba ang ating Fearless Forecast? Best Picture: Green Bones, Isang Himala, Espantaho, Uninvited, My Future You

Best Actress: Judy Ann Santos (Espantaho) and Vilma Santos (Uninvited)

Best Actor: Dennis Trillo (Green Bones) and/or Piolo Pascual (The Kingdom) – Dark Horse: Seth Fedelin

Best Supporting Actress: Kakki Teodoro (Isang Himala) na puwedeng maka-tie ni Chanda Romero (Espantaho)

Best Supporting Actor: Ruru Madrid (Green Bones) or Sid Lucero (Topakk or The Kingdom)

Kayo, sino ang bet niyo?

Nakakataquote:

“Madidilaan mo ang Langit ko!” – Kakki Teodoro in Isang Himala

VICE GANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with