Masaya at proud ang 57-year-old na si Kuya Kim Atienza na wala siyang maintenance medication.
Aniya, exercise lang ang maintenance niya. Wala siyang mga iniinom na gamot.
Pero 13 years na siyang umiinom ng barley na siya ang brand ambassador - Sante Pure Barley International - isang leading provider ng premier health at wellness products.
Kwento ng Kapuso host, ang health journey niya ay nagsimula isang taon matapos siyang ma-stroke taong 2010. Malaki umano ang naitulong ng pag-inom niya ng Sante Barley dahil hindi lamang ito masarap kundi hitik pa sa nutrisyon at bitamina na kailangan ng katawan.
Sante lang umano ang kumpanya na mismong naggu-grow ng sarili nitong pure organic barley grass sa ekta-ektaryang farm sa New Zealand.
Pero pagdidiin ni Kuya Kim, “Ang Sante Barley is not a cure for stroke, you will not get well. But it will help you avoid stroke or cardiovascular attack from happening because it is rich in nutrients, antioxidants, fiber and many other benefits.
“Actually, my health journey started a year after my stroke. A year after my stroke, I started marathon running. That’s when I met Joey (Marcelo). We started training together. So ayan, now it’s part of my fitness health regimen, to drink Sante.”
Match made in heaven, walang iwanan hanggang sa huli.
Ganyan umano ang partnership nila ng Sante.
Kamakailan nga ay muli nilang sinelyuhan ang 13-year na pagsasama sa renewal ng contract na ginanap sa Pandan Asian Cafe kasama, siyempre, si Kuya Kim at ang Sante executives na sina Joey Marcelo (CEO), Eric Maranan (chief finance officer), Minette Carag (board member), Karen Marcelo (finance director) at Paul Caluag (managing director – Asia 1).
Ayon kay Joey, hindi lang endorser ang turing nila kay Kuya Kim kundi parte na ng pamilya.
Nagkakilala umano sila 13 years ago dahil sa common passion nila na triathlon. Maliban sa naturang sport activity, magkasama rin sila sa iisang church.
Patuloy ni Joey, “For us, it’s more than just endorsement. It’s about sharing the same passion. And true enough, right now, he’s been an inspiration sa entire Sante family. We’ve been encouraging our team, not only in the Philippines but even OFWs, to have an active lifestyle.
And I think si Kuya Kim is parang an epitome of an active and healthy lifestyle.”
Bilang bahagi ng renewed partnership, isa si Kuya Kim sa mga artist na mangunguna sa bagong campaign ng Santé – ang Live For More.
Mula sa matagumpay na Live More. Do More initiative, ilalagay ng bagong campaign ang mensahe nito sa mas malawak na platform para mas marami pa ang ma-inspire na yakapin ang iba’t ibang posibilidad sa buhay.