^

PSN Showbiz

Breakup nina Kim at Xian, nag-anniversary na!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Breakup nina Kim at Xian, nag-anniversary na!
Kim Chiu

Nag-anni­versary na ang breakup nina Kim Chiu and Xian Lim.

Matapos ang ilang buwan ng espekulasyon, kinumpirma ng Kapamilya actress  na hiwalay na sila ng longtime partner na si Xian Lim.

December 23 ‘yun,noong isang taon.

Sa isang emosyonal na post sa Instagram, inihayag ni Kim na naghiwalay na sila ni Lim pagkatapos ng halos 12 taong relasyon, na tinawag itong “end of a love story.”

Ayon kay Kim, mutual decision ang breakup.

Well, ganun kabilis ang panahon.

May ibang hindi pa nakaka-move on sa kanilang hiwalayan.

Pero ang isang sigurado raw, walang chance sa kasalukuyan na maging friends ang mag-ex.

Dominic at Sue, magkasama sa pasko

Uy magkasama sa Pasko sina Dominic Roque at Sue Ramirez.

Mismong si Dominic ang nagsabi nito.

“Yes, magkasama naman. With families also. I mean, magkahiwalay kami ng families and then we might see each other,” aniya sa isang quick interview nung dumalo nga siya sa red carpet premiere ng The Kingdom kung saan sila sabay na dumating ni Marco Gumabao.

Kabilang sa pelikula sina Cristine Reyes and Sue.

Sa ngayon daw ay kinikilala pa nila ang isa’t isa, sabi pa ng actor na nag-motor that night dahil may ibang event daw siyang pupuntahan.

Sa totoo lang, kahit walang pelikula or TV show si Dominic, mas pinag-uusapan pa siya dahil sa kanyang lovelife.

ACTRESS

KIM CHIU

TRENDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with