Enrique, hindi na buong buhay ang showbiz

Enrique Gil

Pansamantalang nagpahinga sa pagtatrabaho si Enrique Gil noong kasasagsagan ng pandemya sa bansa. Sa loob ng mahigit tatlong taon ay maraming mga bagay umano ang natutunan ng aktor sa kanyang personal na buhay. “Na-miss ko ang time with my family. Si Andie (nakababatang kapatid ni Enrique), nag-graduate na, nag-migrate na sa Spain. Na-realize ko na life is more than just fame, acting, showbiz and money. All of these mean a lot to me, but it’s not everything. Showbiz is a part of my life, it’s not my whole life. Noong pandemic ang daming realizations,” makahulugang pahayag ni Enrique sa Kuan On One show ni Melai Cantiveros.

Aminado ang aktor na hinahanap-hanap din niya ang mga katrabaho noong mga panahong walang ginagawang proyekto. Ngayong taon ay aktibo nang muli si Enrique bilang aktor at prodyuser. “Yung mga tao, crew, mga marshal, mga cameramen, of course mga co-actors, mga fans, mall shows. To see the fans, ma-hug sila, ma-kiss ulit,” pagtatapat niya.

Para kay Enrique ay palagi lamang siyang masaya sa lahat ng mga ginagawa sa buhay. Walang pinagsisisihan ang binata sa lahat ng kanyang mga ginawa sa nakalipas na mga taon. “I’m always happy. Sa lahat ng ginagawa ko, I always make sure that I’m always happy. Kapag hindi ka happy, think twice bakit mo ginagawa ‘yan. Why should you do this? Why Continue? So, you always try to find the best in everything kahit it’s the worst time of your life. No’ng nawala ‘yung dad ko, that was a big, big down in my life. Naisip ko I have an opportunity to work in showbiz to help my mom, my sister, my brother, my family. ‘Yon ang naging happiness ko during those dark times,” paglalahad ng aktor.

Ruru, may ginamit na pabango para makaarte

Mapapanood na sa mga sinehan simula bukas ang Green Bones na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid. Ayon kay Ruru ay hindi raw sila masyadong nakapag-usap ni Dennis habang ginagawa ang naturang Metro Manila Film Festival 2024 entry. “Wow! To be honest Tito Boy, mabibilang mo lang sa daliri ‘yung times na nag-usap kami sa set. Usually magkikita kami sa umaga, ‘Hi! Hello, good morning kuya!’ Pero kapag nasa set kaming dalawa, hindi kami nag-uusap. I guess it’s our process. It’s actually the first time na gumawa ako ng ganitong klaseng pelikula. Ganito ‘yung dedication na ibinigay ko sa isang proyekto. The whole time na nasa set ako, nagme-meditate ako.  Mas gusto ko mas maging present ako sa eksena because  karamihan ng mga eksena ko hindi ako nagsasalita. It’s all nuance, Karamihan mata-mata acting ‘yung tinatawag po nila,” nakangiting pagbabahagi sa amin ni Ruru sa Fast Talk with Boy Abunda.

Mayroong isang uri ng pabango na ginamit ang binata habang ginagawa ang bagong pelikula. “Kapag ‘yon ‘yung gamit kong pabango, ang bilis kong makapasok sa karakter ni Javier Gonzaga. Para siyang baby cologne na fresh, bago. Kapag naaamoy ko siya pakiramdam ko, totoy. Bago pa lang sa akin, naive, inosente, napi-feel ko sa scent na ‘yon. Every time na nasa set ako, hindi ko na kailangang dumaan ng maraming proseso,” kwento ng Kapuso actor.

Samantala, mahigit isang dekada nang aktibo sa show business si Ruru. Malaki ang pasasalamat ng aktor sa lahat ng mga proyektong ipinagkakatiwala sa kanya. “Ang daming nangyayari na pinapangarap ko lang noon, pinagpe-pray ko lang noon, ngayon nangyayari na. To be honest Tito Boy, hindi pa totally nagsi-sink in. I’m just very happy and grateful sa lahat nang nangyayari. Sa career, sa buhay, sa pagmamahal, sa family, sa kaibigan, kumpleto Tito Boy. Itong taon na ito, very blessed. Ito rin ‘yung naramdaman ko last year. I’m hoping na ang taong 2025 ay maging masagana’t mabiyaya sa ating lahat,” pagtatapos ng binata. — Reports from JCC

Show comments