Ibang fans ni Gary may apela!

Kitang-kitang napaupo si Gary V sa opening number niya sa Araneta Coliseum noong Linggo, it happens to the best of us… pero ang tanong, did he have to do it?

Magaling pa rin si Gary V. Natapos naman niya ang second repeat concert niya. Pero sabi niya mismo, hindi na niya kaya ang ganitong Big Venue like the Big Dome. Wala naman na siyang kailangang patunayan.

But ang tanong, did he have to do this repeat? Sa kasagsagan pa ng Christmas Season? Na mismong siya ay may pinagdaanang physical challenges?

Ano kaya ang tugon ng Manila Genesis sa comments ng mga tao sa X tulad ni @florgarcianucum_obgyne na “Been a fan for half of my life. But thousand of your fans who watched me last Friday felt robbed of our hard earned money.” and @soonitwillgetbetter said “Magaling siya walang duda yun. Pero sana nagreschedule na lang nung Friday para sulit naman ang binayad ng mga tao.”

Paano kaya sasagutin ‘yan?

Nakakataquote:

“Maaaring cliché pakinggan, palagi naman nilang sinasabi na best actress, pero sa totoong salita, napakaraming magagaling.”

- JUDY ANN SANTOS on the MMFF Awards

Show comments