Rayver, todo-todo bonding sa magiging biyenan

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose
STAR/ File

Maayos ang pakikitungo ni Rayver Cruz sa pamilya ng kasintahang si Julie Anne San Jose. Kama­kailan ay nakipag-bonding pa ang aktor sa ama ng dalaga habang nagbabakasyon sa Australia. “Sobrang sayaTito Boy and sobrang okay na ang lahatSobrang kasundo ko poyung mama niya, ‘yung papa niya. Actually, kagagaling lang namin sa Australia and talagang nag-bonding kami doon ng papa niya. Masayang-masaya po ako na naging parte na rin ako ng pamilya nila. Ang sarap sa pakiramdam,” nakangiting pagbabahagi sa amin ni Rayver sa Fast Talk with Boy Abunda.

Ayon sa Kapuso actor ay napag-uusapan na rin nila ng dalaga ang tungkol sa paglagay sa tahimik. Desidido na si Rayver na si Julie Anne ang makakasama sa habambuhay. “Sa tagal ng relasyon, para sa aming dalawa, like ako lagi kong sinasabi na si Julie na ‘yung papakasalan ko,” giit ng inate.

Para kay Rayver ay talagang ibi­nibigay niya ang lahat kapag siya ay umiibig.  “Kapag na-in love ako, todo. That’s the beauty of it naman eh. You learn from that naman kapag nangyari ‘yonKapag love ko ang isang taobuung-buoAko kasi ang thinking ko ‘pag naging karelasyon ko na ‘yung isang tao o girlfriend ko na ‘yung isang tao. Ito na ‘yon hanggang pagtanda ko,” makahulugang pahayag ng aktor.

Diana, naalala ang pagkamatay ng asawa sa riles…

Nahirapan si Diana Zubiri na gawin ang isang eksena para sa Mga Batang Riles na mapapanood na simula Jan. 6.

Para sa aktres ay talagang malapit sa kanyang tunay nabuhay ang pagkamatay ng asawa sa kwento ng naturang serye ng GMA Network. Matatandaang pumanaw ang asawa ni Diana na si Alex Lopez noong 2010 dahil sa liver cirrhosis. “Nangyari rin kasi sa akin before. So parang ayaw ko na siyang balikan. Ayoko nang mag-internalize about do’n sa nangyari sa akin dati,” emosyonal na paliwanag ni Diana.

Ginagampanan ng aktres ang karakter ni Ma­ying na siyang ina ni Miguel Tanfelix sa bagong proyekto. Ayon kay Diana ay nakikita rin niya ang mga katangian ng panganay na lalaking anak sa karakter ni Miguel na si Kidlat. “Sinasabi ko talaga minsan na nakikita ko talaga na parang anak ko siya. Do’n sa mga eksena kasi medyo do’n sa character namin as mag-ina, medyo marami ka­ming mga hindi pinagkakaunawaan. Marami kaming mga pinag-aawayan, ganyan,” pagbabahagi niya.

Madali na ngayon para kay Diana na gumanap bilang isang ina sa mga proyekto. Mayroong isang anak ang aktres sa namatay na asawa at dalawang babae naman ang naging anak sa asawa ngayon na si Andy Smith. “Minsan talagang gano’n ‘yung nararamdaman ko kapag pinapagalitan ko ‘yung anak ko. Tapos lalaki pa ‘yung panganay ko,” pagtatapos ng aktres. (Reports from JCC)

Show comments