“I will be at the Araneta today. No weapon formed against me will prosper,” sabi ni Gary Valenciano. Tumuloy ito sa major concert nito sa Araneta Coliseum kagabi.
Buti naman at ligtas si Gary V! Pero given his situation, buti talaga at nairaos niya ang repeat concert niya na One More Time.
Ang tanong lang talaga ng concerned din sa kanya, kinailangan ba niya talagang gawin itong repeat ng One Last Time concert niya ngayong Kapaskuhan?
Kung tutuusin, si Gary V, wala naman na siyang kailangang patunayan.
MMFF, napuri sa ginawa sa post office
Bravo sa MMFF 50 Committee na napupuri sa sobrang brilliant na idea ng MMFF na gawing stage ang post office. “This looks so good and yes, giving new life to our historical landmarks,” pahayag ng isang X user.
Mukhang blessing in disguise talaga dahil mula mismo sa napakasipag at husay na MMDA/MMFF Chair na ang sabi, “Parang providential ‘yan, National Museum tayo dapat, ayaw lang ipaalis ang parol.
“Ang galing lang, kasi the Manila Post Office proved to be a good metaphorical alternative, kasi parang rising from the ashes talaga mula sa Post Office na tinupok ng sunog, babangon at babangon ang industriya ng pelikula talaga!”
Ate Vi, naghimala
Imagine Ate Vi (Vilma Santos) doing the Himala pose of Ate Guy (Nora Aunor) now portrayed by Aicelle Santos sa Isang Himala. Tapos, sinamahan pa nina Judy Ann Santos at Nadine Lustre, pati nga ni Aga Muhlach, ang ganda na nagtutulungan ang mga tao mula sa pelikula.
Sana talaga ‘yung dami ng tao sa parada, ‘yung kasabikan ng mga manonood ay mag-translate sa box office record ha. Sana talaga tangkilikin ng mga tao ang mga pelikulang lahok sa 50th MMFF.
Nakakataquote:
“Yes, it took a village to build this industry and IT WOULD TAKE THE SAME VILLAGE to make this industry thrive again. Yung hindi lang fluke yung success nung isa at yung iba laglag. No one in the industry celebrates when someone else’s movie fails. No one.
“Recovering from the pandemic, a successful Pinoy film when it strikes gold, should be a collective victory. A victory for the community and hopefully something we can sustain for years to come.
“Now it is up to the CINEMAS and the PINOY AUDIENCE to make the 50th year of the festival ground-breaking. “Giving all 10 films AN EQUAL CHANCE TO SUCCEED.
“Buhay at Mahusay ang Pelikulang Pilipino! Mabuhay ang 50th Metro Manila Film Festival.” – Vince de Jesus, musical director, Isang Himala