^

PSN Showbiz

Parada ng MMFF maayos na nairaos, MMFF may sagot sa ‘di patas na bilang ng sinehan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Parada ng MMFF maayos na nairaos, MMFF may sagot sa ‘di patas na bilang ng sinehan
Sinimulan ito sa Kartilya ng Katipunan malapit sa Manila City Hall at nagtapos sa Manila Post Office na  sinundan ng concert na pinangunahan ni Bamboo.

Maayos at matagumpay ang pagsisimula ng 50th Metro Manila Film Festival na sinimulan ng isang makulay at star-studded na parada.

Sinimulan ito sa Kartilya ng Katipunan malapit sa Manila City Hall at nagtapos sa Manila Post Office na  sinundan ng concert na pinangunahan ni Bamboo.

Bago nagsimula ang parada ay nagkaroon muna ng tipong meet and greet para sa media.

Iniharap ang buong cast ng bawat entry, nagkaroon ng konting question and answer at pagakatapos nu’n ay photo op kasama ang mga miyembro ng Executive Committee ng MMFF at sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo.

Halos lahat na bida ng bawat entry ay humarap, bukod lang kina Vice Ganda ng And The Breadwinner Is… at si Piolo Pascual ng The Kingdom. Galing pa pala ng General Santos City si Papa P pero tila na-delay ang flight, kaya hanggang sa kalagitnaan ng parada ay medyo binagalan na para makahabol ang Kapamilya aktor.

Na-late naman ng dating si Vice Ganda kaya hindi na siya nakaabot sa pagharap sa media, isinampa na siya ng float pagdating niya sa Kartilya.

May ilang lugar na mababa ang kawad ng kuryente, kaya ang liksi ng mga artista na yumuko kapag papalapit na sa kuryente.

Masaya ang mga taga-MMDA at ang mga bumubuo ng MMFF dahil sa maayos na sistema at nairaos nang maayos ang Parade of Stars.

Nakikita namang nagbunga nang maganda ang lahat na pinaghirapan nila para maging kakaiba lang ang 50th edition na celebration ng MMFF.

Kagaya ng mga nakaraang taon, meron pa ring mga hanash, may mga isyu at reklamo, kagaya nitong hatian ng theaters sa bawat entry. Pero may paliwanag din diyan ang MMDA Atty. Don. Artes.

Taun-taon naman daw ay hindi nawawalan ng isyu at intriga ang MMFF.

“Hindi po kumpleto ang MMFF kung wala pong intriga. Part na po ng selebrasyon ‘yan ng MMFF e. Siyempre hindi naman po lahat kaya naming i-please. Pero asahan po nila na we keep on improving para po matugunan ‘yang mga ganyang reklamo at ma-address din po para everybody happy din,” pahayag ng MMDA Chairman Atty. Don Artes.

Jose, iniwan ang misis para kay Vic!

Magkakasabay ang premiere night ng tatlong entries ng MMFF noong Biyernes ng gabi.

Nasa Gateway ang The Kingdom, sa SM The Block naman ang Green Bones at nasa SM Megamall ang Espantaho.

Sa sobrang tindi ng traffic, hindi na ako umabot ng SM Megamall.

Nasa The Kingdom muna ako at nakakatuwa ang suporta ng mga Dabarkads ng Eat Bulaga at ng pamilya Sotto para kay Vic Sotto.

Humahangos na dumating ang bagong kasal na si Jose Manalo at kagagaling lang daw niya ng airport mula sa Boracay na kung saan ay doon sila ikinasal ni Mergene Maranan.

“Ay masayang-masaya ang bagong kasal!” bulalas ni Jose nang sinabayan ko sa red carpet ng The Kingdom.

Nagpapasalamat siya sa Panginoon na nalagpasan na niya ang mga pinagdaanan niya noon, at ngayon ay masaya na siya sa piling ni Mergene at ng kanilang mga anak.

“Thank you Lord! Thank You Lord sa mga pagsubok at mga biyayang binigay sa amin. Galing pa ako sa airport, diretso na ako dito kay Bossing.

“Galing ako ng airport, diretso na ako dito kasi dapat natin panoorin si Bossing. Maganda e. Hindi ko puwedeng ma-miss. Baka masabay sa honeymoon. So, punta muna tayo dito,” dagdag niyang pahayag.

Kahit ang ka-tandem niyang si Wally Bayola ay masaya para kay Jose.

Nagulat nga raw ang comedian/TV host nang nagdatingan silang lahat sa Boracay para maging bahagi sa kasal nito.

“Si Jose, hindi niya ini-expect na pupunta lahat.

“In-invite niya pero isipin niyo malayo. Tapos, ‘di ba pag December iba ‘yung dagat Boracay e, maalon. Pero natuwa siya. Sabi niya, grabe dumating lahat sila, buong pamilyang Sotto, De Leon, lahat.

“Deserved ni Jose na maging masaya. Siyempre after all the struggles na pinagdaanan, eto,” napangiting pahayag ni Wally.

Nabanggit na rin ni Wally na next year ay 25 years na pala ang tandem nila ni Jose at may binabalak na raw sila para i-celebrate ang 25th anniversary ng kanilang partnership sa pag-entertain. Kaya may iniisip daw na magandang project para sa kanila.

“Hindi ko alam pero magse-celebrate kami ng silver namin ng Wally-Jose.

Hindi pa namin alam… it’s our silver anniversary, 25 years na kami next year.

“Siguro mag-Araneta? Baka lang…o baka mag-movie,” pakli ni Wally

Bayola.

Ang isa pang masaya ay si Sue Ramirez na bahagi rin sa The Kingdom.

Dumating doon si Dominic Roque para sumuporta sa kanya, kasama si Marco Gumabao para naman kay Cristine Reyes.

Hindi na nakaiwas si Dominic sa mga nag-interview, at sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita siya tungkol sa kanila ni Sue.

Inamin niyang nanliligaw siya at nasa dating period nga raw sila.

“We’re dating,” pakli in Dominic.

“Happy kami together. We’re going out and ayun! Kinikilala namin ang isa’t-isa,” napapangiti niyang pahayag.

Magkasama raw sila sa darating na Pasko.

“Yes. Magkasama naman with families also. Kami, magkahiwalay kami ng family and then we might see each other,” sagot niya sa tanong namin kung magkasama silang i-celebrate ang Pasko.

Bukas ko na lang ikuwento ang kaganapan naman sa premiere night ng Green Bones na napakaganda pala ng pelikulang ito.

FESTIVAL

FILM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with