Zia, wagi sa aliw!
Ang bongga naman ng panganay nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia na nagwagi sa 37th Aliw Awards.
Proud na ipinost ng Balota actress ang photos ng unica hija nila matapos nitong manalong Breakthrough Child Performer of the Year award sa Aliw Awards.
“Congratulations Mahal ko. Proud na proud kami sayo!” caption ng misis ni Dingdong sa video ng pagtanggap ni Zia ng award.
Pagkatapos nga nitong tumanggap ng award ay nagbigay ito ng speech.
Nagpasalamat siya sa award-giving body at pati na rin sa kanyang Teacher Jade.
Lagi raw nitong sinasabi sa kanyang na huwag mag-give up at laging abutin ang pangarap niya.
Pinasalamatan din niya ang mommy niya sa laging paggabay sa kanya at pamilya niya sa suporta ng mga ito.
Sunud-sunod nga ang achievement ni Zia na kamakailan lang ay nagkaroon ng kanyang first stage performance sa Be Our Guest concert kung saan niya kinanta ang Rise Up.
Aliw nga na bawing-bawi raw si Marian sa pagkakaroon ng talent sa pagkanta ni Zia at nag-voice lessons pa ito dahil aminado siyang wala siya nito.
Mukha nga raw magkaka-album ito kalaunan ayon sa mga netizen na iniidolo rin si Olivia Rodrigo.
Napaka-talented nga ng anak ng DongYan na magaling din sa swimming, at mas gumaganda pa habang lumalaki.
Ang bilis nga ng panahon dahil parang kailan lang ay sanggol pa si siya na ayaw sumama sa iba pero ngayon ay nagdadalaga na ito.
Hinuhulaang sa showbiz rin ang bagsak nito gaya ng parents niya.
Habang ang isa ring anak nila na si Sixto ay lutang na lutang din ang kagwapuhan.
Bongga talaga.
- Latest