^

PSN Showbiz

Vic at Piolo, alternatibong realidad ang pasabog sa MMFF

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Vic at Piolo, alternatibong realidad ang pasabog sa MMFF
Vic Sotto at Piolo Pascual

Ano nga ba ang posibleng nangyari sa Pilipinas kung hindi ito kailanman nasakop ng mga dayuhan? Ito mismo ang bibigyang buhay ng pelikulang The Kingdom, isa sa mga official entries sa gaganaping 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Disyembre.

Tampok sa The Kingdom ang isang alternatibong realidad ng Pilipinas kung saan naghahari pa rin ang monarkiya dahil hindi kailanman sumailalim sa kolonisasyon ang bansa.

Para sa kaalaman ng mga manonood ng pelikula, ang bansa ay tinatawag na kaharian ng kalayaan at ang mga mamamayan ay kinikilala bilang mga malaya.

Ang kaharian ng kalayaan ay pinapamunuan ng hari at reyna na tinatawag na Lakan at Lakambini, at ang mga prinsipe at prinsesa naman ay kinikilala bilang Magat at Dayang.

Ang monarkiya ay hindi lamang political lea­ders kundi nirerespeto rin bilang pinagpala at “may dugo ni Bathala.” Kaya sagrado ang kanilang lahi at nagpapatibay ito ng kanilang mataas na katayuan kumpara sa mga ordinaryong Malaya.

Ang koronang kasalukuyang nakapatong sa ulo ng Lakan Makisig (ginagampanan ni Vic Sotto) ay sumisimbolo ng kayang awtoridad at sa pagkakaisa ng buong kaharian.

Maging ang mga tattoo o tinta sa kanilang mga balat ay may mahalaga ring simbolo sa lipunan ng kaharian.

Ang mga detalyadong disenyo ng tinta sa balat ay sumisimbolo ng katayuan ng bawat tao, at ang mga walang tinta sa balat ay tinatawag na Tinatwa, o ang mga pinakamababang uri na hindi binibigyan ng pagkakataong mamuhay ng tulad sa ordinaryong mamamayan.

Tampok din sa The Kingdom ang sinaunang alpabeto na Baybayin na marahil ay gamit pa din ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan kung hindi tayo naimpluwensiyahan ng alpabeto ng mga dayuhan. Dahil nga uncolonized ang bansa sa alternatibong realidad ng pelikula, gamit pa rin ng mga tao ang Baybayin sa makabagong panahon.

Sa likod ng karangyaan ng monarkiya, hitik din sa family drama ang The Kingdom. Isa itong kuwento ng isang haring humaharap sa isang napakalaki at napakahirap na desisyon: ang pagpili kung sino sa kaniyang mga anak ang magmamana ng korona. Hindi man lahat sa magkakapatid ay naghahangad sa korona, bawat isa sa kanila ay may mga hinaharap na personal na pagsubok.

Isa pang karagdagang komplikasyon ang kuwento ng Tinatwa na si Sulo (ginagampanan ni Piolo Pascual), na may ipinaglalabang magdadala sa kanya sa palasyo at sa isang matinding pagsubok na makakaapekto sa buong kaharian.

Sinasabing hindi lang isang pelikula ang The Kingdom, isa itong experience para sa lahat ng Pilipino. Kaya ‘wag palampasin ang MMFF entry na ito na magbubukas na sa mga sinehan nationwide ngayong Dec. 25.

MMFF passes may hologram, mga namemeke nganga

Walang tsansang mapeke ang MMFF complimentary passes.

Pinag-isipan at pinagplanuhan ng Executive Committee ng MMFF ang nasabing pass.

May hologram ang passes na hindi basta-basta pwedeng kopyahin.

Sa nakalipas na taon, nababawasan kahit papaano ang kita ng mga producer dahil sa mga namemeke ng complimentary passes.

Hands-on si Atty. Rochelle Macapili-Ona sa nasabing passes at dalawa lang ang supplier nila kaya sure na sure na.

Ilang taon na ring maraming nare-reprint ng festival passes na ibinebenta ng P350 only.

At maraming nabibiktima. Na ang akala nila ay legit at nakuha nila sa MMDA.

MMFF

VIC SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with