Eskuwelahan ng anak ni Yasmien, itinanggi ang bullying!
As of this writing ay wala pa ring sagot si Yasmien Kurdi tungkol sa isyung bullying ng panganay niyang anak na si Ayesha.
Naglabas na kasi ng statement ang eskuwelahan ni Ayesha na base sa kanilang imbestigasyon, wala raw bullying na nangyari.
Bahagi ng statement na ipinadala ng Colegio San Agustin-Makati, “It is unfortunate that an incident among minor students have been blown out in the public. At the outset, there appears to be no bullying that happened on December 10, 2024, but rather a situation where students were discussing about Christmas party preparations. The school has immediately addressed the matter among the students and parents involved. The school is handling the matter with caution, circumspect, and confidentiality because the students involved here are minor children.”
Ipinakiusap nila kay Yasmien at sa lahat ng mga magulang na makipag-cooperate na sa kanila upang maayos ang isyung ito nang tahimik, with confidentiality na naaayon sa rules ng DepEd.
Iniiwasan nilang maging isyu pa ito at maging maingay sa social media dahil bukod sa minor pa ang mga kabataang involved, pinangangalagaan daw ang kanilang privacy. Hindi naman daw kasi sila celebrity.
Kaya pinapakiusapan nila si Yasmien na iwasan nang iparating ito sa social media. “We also caution Mrs. Soldevilla (Yasmien Kurdi) to refrain from sharing information about the minor students as this tends to put them in a bad light, embarrassment, and even ridicule, not only in CSA but in the eyes of the public,” sabi pa sa statement ng naturang eskuwelahan.
Ilang beses na akong nag-message kay Yasmien para sa kanyang reaksyon o kung may statement din siya kaugnay dito, pero hindi pa siya sumasagot.
Parada ng mga bituin, pinataasan na ang float
Kasadung-kasado na ang pagsisimula ng Metro Manila Film Festival 2024 na nasa ika-50th edition na.
Bubuksan ito ng isang makulay na parada sa Maynila na magsisimula sa Kartilya ng Katipunan at magtatapos sa Manila Central Post Office.
Tatlong libong marshall ang ide-deploy para mapanatili ang kaayusan lalo ang daloy ng traffic. “Iyong usual na ginagawa natin na may nakapalibot kaming tao sa mga float para huwag dumugin, to avoid accidents,” sabi ni MMDA Chairman and concurrent MMFF ExeComm Chairman Atty. Romando “Don” Artes .
“And then iyong mga production companies, iyong mga artista, pinagbabawalan po nating maghagis ng kahit ano. Kasi mahirap ‘pag may inihagis, like shirt, bumagsak malapit sa float, baka lusubin. Mag-agawan, masagasaan. So ipinagbabawal po natin.”
Ngayon lang ito gagawin na wala nang ihahagis na kung anu-ano para maiwasan lang ang posibleng aksidente, lalo na kapag dumugin ito ng mga kabataan. “‘Pag ginawa po natin iyan, mahihirapan po kaming ikontrol ‘yung crowd na huwag lapitan ‘yung float.
“Kaya rin po kung mapupuna n’yo, ‘yung floats natin, pinatataasan din namin para maiwasan ‘yung pag-abut-abot ng kamay ng mga artista. Hanggang wave lang.
“Dahil nga po may possibility po na magkaroon ng aksidente ‘pag ganun.”
Tuloy ba ang parada ng mga bituin sa Sabado ng hapon kahit medyo maulan dahil nagbabanta ang bagyong Querubin? “Yung pong bagyo, chineck namin, nasa Mindanao and Visayas,” tugon ni Chair Don Artes.
“Kulimlim lang naman po ‘yung panahon and hopefully by Saturday, mawala po ‘yung bagyo.”
Required ang lahat ng mga bida ng official entries ng MMFF 2024 na lumahok sa Parade of Stars.
“Yes! Nag-confirm naman po lahat ng mga bida na dadalo po sila sa parade,” pakli ng MMDA Chairman.
Tinaasan pa ngayon ang premyo ng Best Float, kaya talagang pabonggahan ito. “May mga nagsasabi na sa akin na talagang pinaghandaan nila ‘yung kanilang float. Talagang pabonggahan daw,” sabi pa ni Chairman Don Artes.
- Latest