Veteran writer na si Ed De Leon, ipinagluluksa ng showbiz!
Lubos ang kalungkutan ng showbusiness sa pagyao ng veteran writer na si Ed de Leon.
Active na active pa si Ed lalo na sa mga gawaing may kinalaman sa Star for All Seasons, Vilma Santos. Kasama siya sa mga tumutulong maging National Artist si Ate Vi.
Hanggang sa sinusulat naming ito ay hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang pamilya ni Ed.
Theater direktor na si Bobby Garcia, namatay rin
Isa ring haligi ng teatro ang yumao kahapon. Ang pagkamatay ni Bobby Garcia ay labis na ikinalungkot ng mga kasamahan niya sa entablado. Ang sabi pa nga ng isa, “I’m deeply saddened to hear the news I just received. His presence was a gift to all who knew him—his kindness, wisdom, and unwavering spirit touched countless lives. During this time of loss, I hope we can all find comfort in the legacy of love and inspiration he leaves behind. My thoughts and prayers are with his family, friends, and all who are grieving. May his memory forever be a blessing.”
Si Jett Pangan ay heto ang nasabi, “Saddest news today. Worked with him until he became a dear friend. My brain’s in shambles right now.”
Isa si Tito Boy Abunda sa naapektuhan ng pagpanaw nitong mahusay at mabait na direktor na si Bobby Garcia.
FilmFest entry ni Mayor Enrico, dinadamay sa rape case!
Nakakabahala ang message ng isang PR specialist tungkol sa rape case ng isang co-producer ng isang Metro Manila Film Festival entry. Kailangan pa bang ikabit ang pangalan niya sa filmfest entry?
At grabe naman talaga ang timing ng balitang ito ‘no? Sana na lang hindi ito makaapekto sa resulta ng pelikula sa takilya.
Nanay ng aktor, nag-iilusyong tinalo ng anak si Bossing
Totoo ba ang pinagsasabi ng isang nanay na ang anak niya ang magwawaging Best Actor at ang pinakamahigpit na kalaban nito ay si Bossing Vic Sotto?
Paano mangyayari ‘yun eh hindi pa nga nangyayari ang deliberations ng mga jury?
Ang biruan tuloy, baka ang nanay na ito ang manalong best actress ha! Hindi kataka-taka! Hahaha!
Nakakataquote:
“Man, that was some good, solid, well produced drama. No complaints.” – Philbert Dy, a seasoned film critic, writer, and festival programmer on GMA Pictures’ Green Bones
- Latest